Ilan bang talents ang naka-kontrata sa Star Magic (dating Talent Center) at sa GMA Artists Center? Labas pa ang mga ito sa mga talents na hawak ng ibat ibang talent managers. Hanggang ngayon ay hirap pa rin ang industriya ng pelikula at ang kabuuan ng entertainment business. Iilang record companies na lamang ba ang aktibo sa pagpu-produce ng albums? Ilang movie producers na lamang ba ang patuloy na gumagawa ng pelikula? Gone are the days na parang napakadali lamang ng pera. Ngayon, napakahirap kitain ang pera. Although maraming mga locally-produced TV programs, hindi pa rin ito sapat para mabigyan ng trabaho ang marami sa ating mga artista, director at mga taga-produksiyon. Marami tayong mga magagaling na mang-aawit ang wala ring trabaho, mga kompositor na wala ring mapagbigyan ng kanilang sariling komposisyon. Hindi rin maganda ang business atmosphere sa kabuuan. Mas marami ang nagsasarang kumpanya kaysa nagbubukas pa ng ibang kumpanya. Kung hindi man nagsasara ay nagbabawas ng tao dahil hirap na rin ang mga kumpanya na ipagpatuloy ang kanilang operasyon. Mas marami rin ngayon ang mga business establishments ang for rent, for lease o di kaya for sale pero walang mga takers.
Kelan kaya muling maibabalik ang sigla ng industriya ng pelikulang Pilipino at ang entertainment business? Nakakalungkot ang nalalapit na pagsasara ng institusyon nang maituturing, ang LVN Studios na may ilang dekada na ring nakatayo pero ngayon ay tuluyan nang nawawala.
Kung dati-rati kasi ay sa loob lamang ng kanyang pribadong bahay ang pagsusuot niya ng undergarments ngayon ay hindi lamang sa pictorial at billboards kundi maging sa entablado kung saan libu-libong tao ang nakamasid sa kanya.
"Nakaka-tense na may kasamang pressure but at the same time, excited ako dahil first time ko itong gagawin sa tanang buhay ko," natatawang pahayag ng elusive bachelor na si Paolo.
Sa The C Show: Carter Underwear Fashion Show na magaganap sa Araneta Coliseum bukas (Sabado) ng gabi, isang rebelasyon ang makikita kay Paolo.
Ang yumaong entertainment writer na si Robert Perez ang naka-diskubre kay Jenny na Jennifer Alcantara Rances sa tunay na buhay nang itoy maging hurado sa "Mutya ng Lucena" ng Lucena, Quezon kung saan si Jenny ang nakapag-uwi ng titulo nung taong 1995. Nang makita naman ni Ogie si Jenny sa isang fashion show na ginanap sa Rembrandt Hotel, siya ang nagdala rito sa ABS-CBN kung saan siya kinontrata ng Star Magic (dating Talent Center) sa loob ng apat na taon at si Ogie naman ang tumayong co-manager ni Jenny.
E-mail: <a_amoyo@pimsi.net>