Willie Revillame, kakasuhan ng perjury
May 20, 2005 | 12:00am
Nagsumite kahapon, Huwebes ng kanyang affidavit si Salve V. Asis, (entertainment editor ng PM) kay Fiscal Corazon R. Romano na pinatutunayan niyang humingi talaga ng dispensa sa kanya ang actor/TV host na si Willie Revillame ilang araw matapos siyang gawan ng kahalayan.
Ayon sa sinumpaang salaysay ni Salve kay Fiscal Romano, sinabi niyang hindi totoo ang ikinatwiran ni Willie na hindi ito humingi ng dispensa sa kanya dahil wala naman daw itong ginawang masama.
At sa isinumiteng affidavit ni Salve ay naka-attached ang photocopy ng card na ibinigay ni Willie sa kanya na nagsasaad ng (unang pahina) "Ive known I was wrong for a while now, but I just couldnt admit it to you. I guess Ive felt kind of embarrassed about what happened and the things I said. And I feel a little silly for taking so long to get things settled between us. But now, Im ready to put my pride aside and apologize to you. (pangalawang pahina) "Salve, I hope you can forgive me and believe that Im truly sorry Willie."
Nagulat naman ang dalawang abogado ng actor nang ipabasa sa kanila ang photocopy at orihinal na kopya ng card dahil nga sa naunang counter affidavit na isinumite ni Willie last May 12 ay pinanindigan niyang hindi siya humingi ng dispensa.
Ayon naman sa legal counsel ni Salve na si Atty. Bonifacio Alentajan ay posibleng kasuhan niya si Willie ng perjury dahil nung nanumpa ito last May 12 sa harapan ng tatlong abogado, asawa niya at Fiscal Romano ay talagang nanindigan itong wala siyang ginawang masama at walang paghingi ng dispensa tulad ng sinasabi ni Salve.
"Nagsinungaling siya while hes under oath, in front of his wife, his legal counsels and Fiscal Romano, so thats perjury. Mabigat na kaso ang pagsisinungaling," pahayag ni Atty. Alentajan.
Maging si Fiscal Romano ay nagulat din sa ebidensiyang ipinakita ni Salve, kaya naman ang mga nag-cover na talk shows ng ABS-CBN at GMA 7 ay pinagkaguluhang kunan ang naturang card.
Ayon pa kanila, sa May 26 preliminary hearing ay aabangan nila kung ano ang isasagot ni Willie sa unang ebidensiyang inilabas ni Salve at idinagdag din ng kanyang abogado na marami pang ebidensiya silang ilalabas para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo kina Salve at Willie.
Sa tuwing may tv guestings ang tinaguriang Ms. Flawless ng showbiz na si Angelica Jones ay hindi maaring hindi niya kasama ang kanyang ina na si Mrs. Beth Jones na halos iisa ang comment, "Mahadera, maingay, pakialamera at iba pa".
Bilang anak ay masakit ito para kay Angelica, pero anong magagawa niya, ina niya ito at alangan namang ipagtabuyan niya. At may maganda rin namang dulot minsan ang pagiging bungangera at maingay ni Mommy Beth dahil hindi basta naapi ang kanyang anak at higit sa lahat, wala ring lalaking basta makalapit kay Angelica.
Feeling tuloy ng mga staff ng network ay gusto ring pasukin ang showbiz ng ina ni Ms. Flawless.
At mukhang may career na si Mommy Beth dahil napansin na ang pagiging maingay niya, kasama siya sa line up ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez na mapapanood bukas, Sabado sa GMA 7.
Guests ng naturang talk show ang lahat ng managers, talents, directors at magulang na masasabing maingay sa set dahil may ipinaglalaban at kung minsan ay nambubuska lang, alamin kung sino kina Alfie Lorenzo, Lolit Solis, Armida Siguion-Reyna, Joel Lamangan, Daisy Romualdez, Martin Nievera at Mommy Beth ang nasa katwiran at wala kapag umandar na ang pagiging yakitiyak nila sa harap at likod ng kamera.
Aware pala si Zsazsa Padilla na puro negative write-ups ang naglalabasan ngayon kay Dingdong Dantes na boyfriend ng panganay niyang si Karylle, pero para sa Divine Diva, hindi niya tine-take against kay Dingdong ang mga isyu.
"Hindi naman naiiwasan ang ganyang mga negative write-up, kasi artista so expect mo na, siguro si Dong (tawag niya kay Dingdong) ang dapat sumagot lahat níyan, hindi kami ni Karylle. Kasi we never know the truth behind," say ni Zsazsa.
At tungkol sa tsismis na may anak na si Dingdong kay Antoinette Taus, "I dont care, kasi hindi na naman tinatanong ngayon kung may anak o wala, uso naman ito, ako kasi may open mind ako sa mga ganyang bagay, ako tanggap ko, its up to Karylle na, its her choice.
"Open din ako sa isyung sexuality, kung bading ka, fine. Kung may anak nga akong lalaki at sasabihin niyang gay siya, sasabihin ko pa, okey fine, lets go shopping, lets go to the parlor. Hindi ako namimili ng taong kausap," magandang pahayag ng future mother in law ni Dingdong.
Samantala, si Zsazsa ang title role sa Ako, Legal Wife na hindi pa alam kung kailan ang playdate, (depende raw sa mood ni Mother Lily Monteverde, ayon kay Direk Joel Lamangan) ay natawa kami kung kailan siya magiging legal wife ni Dolphy?
"Wala pa," mabilis niyang sambit.
"All I know is, were going to Hawaii for a vacation and I dont know yet what will happen next," dagdag pa niya. Reggee Bonoan
Ayon sa sinumpaang salaysay ni Salve kay Fiscal Romano, sinabi niyang hindi totoo ang ikinatwiran ni Willie na hindi ito humingi ng dispensa sa kanya dahil wala naman daw itong ginawang masama.
At sa isinumiteng affidavit ni Salve ay naka-attached ang photocopy ng card na ibinigay ni Willie sa kanya na nagsasaad ng (unang pahina) "Ive known I was wrong for a while now, but I just couldnt admit it to you. I guess Ive felt kind of embarrassed about what happened and the things I said. And I feel a little silly for taking so long to get things settled between us. But now, Im ready to put my pride aside and apologize to you. (pangalawang pahina) "Salve, I hope you can forgive me and believe that Im truly sorry Willie."
Nagulat naman ang dalawang abogado ng actor nang ipabasa sa kanila ang photocopy at orihinal na kopya ng card dahil nga sa naunang counter affidavit na isinumite ni Willie last May 12 ay pinanindigan niyang hindi siya humingi ng dispensa.
Ayon naman sa legal counsel ni Salve na si Atty. Bonifacio Alentajan ay posibleng kasuhan niya si Willie ng perjury dahil nung nanumpa ito last May 12 sa harapan ng tatlong abogado, asawa niya at Fiscal Romano ay talagang nanindigan itong wala siyang ginawang masama at walang paghingi ng dispensa tulad ng sinasabi ni Salve.
"Nagsinungaling siya while hes under oath, in front of his wife, his legal counsels and Fiscal Romano, so thats perjury. Mabigat na kaso ang pagsisinungaling," pahayag ni Atty. Alentajan.
Maging si Fiscal Romano ay nagulat din sa ebidensiyang ipinakita ni Salve, kaya naman ang mga nag-cover na talk shows ng ABS-CBN at GMA 7 ay pinagkaguluhang kunan ang naturang card.
Ayon pa kanila, sa May 26 preliminary hearing ay aabangan nila kung ano ang isasagot ni Willie sa unang ebidensiyang inilabas ni Salve at idinagdag din ng kanyang abogado na marami pang ebidensiya silang ilalabas para malaman kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo kina Salve at Willie.
Bilang anak ay masakit ito para kay Angelica, pero anong magagawa niya, ina niya ito at alangan namang ipagtabuyan niya. At may maganda rin namang dulot minsan ang pagiging bungangera at maingay ni Mommy Beth dahil hindi basta naapi ang kanyang anak at higit sa lahat, wala ring lalaking basta makalapit kay Angelica.
Feeling tuloy ng mga staff ng network ay gusto ring pasukin ang showbiz ng ina ni Ms. Flawless.
At mukhang may career na si Mommy Beth dahil napansin na ang pagiging maingay niya, kasama siya sa line up ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez na mapapanood bukas, Sabado sa GMA 7.
Guests ng naturang talk show ang lahat ng managers, talents, directors at magulang na masasabing maingay sa set dahil may ipinaglalaban at kung minsan ay nambubuska lang, alamin kung sino kina Alfie Lorenzo, Lolit Solis, Armida Siguion-Reyna, Joel Lamangan, Daisy Romualdez, Martin Nievera at Mommy Beth ang nasa katwiran at wala kapag umandar na ang pagiging yakitiyak nila sa harap at likod ng kamera.
"Hindi naman naiiwasan ang ganyang mga negative write-up, kasi artista so expect mo na, siguro si Dong (tawag niya kay Dingdong) ang dapat sumagot lahat níyan, hindi kami ni Karylle. Kasi we never know the truth behind," say ni Zsazsa.
At tungkol sa tsismis na may anak na si Dingdong kay Antoinette Taus, "I dont care, kasi hindi na naman tinatanong ngayon kung may anak o wala, uso naman ito, ako kasi may open mind ako sa mga ganyang bagay, ako tanggap ko, its up to Karylle na, its her choice.
"Open din ako sa isyung sexuality, kung bading ka, fine. Kung may anak nga akong lalaki at sasabihin niyang gay siya, sasabihin ko pa, okey fine, lets go shopping, lets go to the parlor. Hindi ako namimili ng taong kausap," magandang pahayag ng future mother in law ni Dingdong.
Samantala, si Zsazsa ang title role sa Ako, Legal Wife na hindi pa alam kung kailan ang playdate, (depende raw sa mood ni Mother Lily Monteverde, ayon kay Direk Joel Lamangan) ay natawa kami kung kailan siya magiging legal wife ni Dolphy?
"Wala pa," mabilis niyang sambit.
"All I know is, were going to Hawaii for a vacation and I dont know yet what will happen next," dagdag pa niya. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended