"I felt it was time to go back where I came from. Masarap naman sa GMA but it was time to move on," dagdag niya. "Besides, ang ganda ng role ko. Nanggaling ako sa mundo ng mga kuba . Sa character ko nagsimula ang Kampanera. Gusto kong maging tao at all cost, kahit ang kapalit nito ay ang pagkawala ng lahi ko. At ang pagkakaron ko ng anak na kuba."
Wala pang kontrata na pinipirmahan si Jomari sa Dos. At ang Kampanerang Kuba pa lamang ang project niya rito na kung saan pinakasalan niya si Eula Valdez kahit ang totoong mahal niya ay si Jean Garcia.
Sa totoo lamang, ayaw ni Jomari ng commitment at this point in his life but he fell for Miss Denmark, Thea Froekger dahil bukod sa maganda ito ay mabait pa, napaka-simple at praktikal. "Ang napansin ko lamang sa kanya ay hindi siya malambing pero baka bahagi ito ng kultura niya," sabi niya tungkol sa kanyang banyagang girlfriend na isang atheist, di naniniwala sa Diyos.
Dati ay napapanood siya sa Eat Bulaga pero, sa hindi niya malamang dahilan ay bigla na lamang daw siyang nawala rito.
Sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pag-arte ay hindi napapabayaan ni K ang pagkanta at maging ang kanyang grupong The Boxers. Martes ay nasa Soundstage Cainta sila; Miyerkules, sa Klownz Araneta; Huwebes sa Ratsky Malate at Biyernes sa Ratsky Morato. Ginagawa na rin ang kanilang second album.
Para sa ibang katanungan, tumawag sa PMTS main office, 4540078 at hanapin si B. Amada C. Porras, si B. Florites Odrunia ang namamahala ng Marikina branch.