Aware naman si Virgie na may bayad na 2,000 ang dinner kaya humingi ito ng tubig sa isang waiter dahil uhaw na uhaw na siya. Sabi ng waiter, di raw siya bibigyan ng tubig kapag walang order para sa pagkain. Sa tindi ng pagkauhaw ay lumabas ito at hinanap ang head waiter at nakiusap kung pwede siyang bigyan ng malamig na tubig na ginawa naman nito.
Ang maganda lang ay buo ang pamilya ni Manay Marichu Maceda dahil narun si Nena Vera Perez at kapatid, gayundin ang apat na anak nang tanggapin nito ang unang FPJ Award. Kaya lang napuna namin na walang video clips na ipinakita bago nito tanggapin ang award.
Gayunpaman maraming sumaludo kay Albert Martinez na siyang naging instrumento para magkaroon ng ganitong klase ng pagdiriwang.
Ngayong magkasama sila sa soap opera ay sinabi ni John Lloyd na malamang humantong sa isang magandang relasyon ang kanilang pagtitinginan ni Bea.
Sa kabilang banda, napanood namin ang 40-minute preview ng Ikaw Ang Lahat Sa Akin at parang pelikula ang teleserye. Bagay ang role sa bawat karakter na ginampanan nina Claudine Barretto, Diether Ocampo, John Lloyd, Bea, Angelika dela Cruz at ang malditang si Carmi Martin.
Bukod sa pagiging abala nito sa mga tv guesting gaya ng Maalaala Mo Kaya at Magpakailanman ay voice dubber na rin ito ng commercials, cartoon at Korean telenovela. Ngayong bakasyon ay kumita siya dahil sa pagiging actor at voice dubber.
Excited na ito dahil ngayong pasukan ay first year high school na siya na hindi pinababayaan ang pag-aaral kahit abala sa showbiz commitment.
Isang taga-showbiz din daw ang pumukaw sa puso nito kung saan matagal-tagal na rin silang hiwalay ng kanyang pamosong asawa.
May karapatan naman siyang lumigaya at umibig muli sa iba sey pa ng mga kaibigan nito sa showbiz.