Anong bahagi ng katawan ni Paolo ang ipapakita niya sa The C Shows

Tiyak na iinit na naman ang tag-araw dahil sa nalalapit na pagtatanghal ng The "C" Show (Carter Underwear Fashion Show) sa Sabado, May 21, 7NG sa Araneta Coliseum.

Pinangungunahan ng Carter’s image model na si Paolo Bediones, ngayon lamang napapayag ang TV host cum model na magpakita ng kanyang magandang, katawan at patutunayan niya na kaya niyang makipagsabayan sa mga hunks na ngayon ay naglipana sa entertainment scene. Ipaparada niya kasama ang iba pang kasali sa fashion show ang latest collection ng Carter Underwear.

Kabilang sa mga participating models at celebrities ay sina Mark Herras, Allen Dizon, Jerome Ocampo, Ethan Zulueta, Hans Montenegro, Geoff Rodriguez, Raymond Bagatsing, Brad Turvey, Marvin Cruz at Paolo Rivero. Samantalang magdadagdag ng init sa show ang mga nagseseksihang sina Jennylyn Mercado, Andrea del Rosario, Gwen Garci, Jen Rosendahl, Darling Loviña, Chinggay Andrada, Sherilyn Reyes and Maureen Larrazabal.

Ang The "C" Show ay prodyus ng Carter Innerwear katulong ang Alta Productions.

Show comments