Gustong maging action queen!
May 18, 2005 | 12:00am
Kung si Nadine Samonte ang papipiliin ng pelikulang pagbibidahan niya, gusto niya ay isang action movie.
"Gustung-gusto kong makipagbakbakan at makipagbarilan. Marunong naman ako ng martial arts," anang aktres.
Kung mabibigyan din ng pagkakataon, gusto niyang makatambal si Dennis Trillo. Magkatambal sila ni Tyron Perez sa Say That You Love Me kung saan nade-develop ang aktor kay Nadine dahil para sa kanya, isa ito sa may pinakamagandang mukha na nakita niya.
Nakapag-invest na si Nadine para sa isang Ford Everest at ngayon ay nag-iipon ng pera para sa kukuning bahay sa may Scout area sa Quezon City.
Nagkakatuksuhan sa set ng Encantadia kapag magkasama sina Polo Ravales at Sunshine Dizon. Pareho yatang loveless sila kaya tinutukso sila ng lahat.
Ayon naman kay Polo may ispesyal na lugar pa rin sa kanyang puso si Shine at di mawawala yong magandang pagtingin niya rito.
Ang galing-galing umawit ni Marri Nallos na tinaguriang Crystal Voice of Asia. Kamakailan lang ay inilunsad na ang kanyang album na "Destiny" kung saan ang carrier single ay ang revival song ni Paul Anka na "You Are My Destiny". Isa sa nakapaloob sa album ay ang kinompose ng yumaong George Canseco titled "Gaano" Protegee si Marri ng composition.
Naging guest sa launching ng "Destiny" album sina Juan Rodrigo na di lang isang magaling na aktor kundi isa ring mahusay na singer at si Nonoy Zuñiga.
Sa Hunyo ay patungong Rome at Milan, sina Marri at Juan Rodrigo para sa series of shows doon.
Naisyete ng isang source na naimbitahan sa isang kapistahan ng isang lalawigan sa Norte ang seksing aktres na ito na naging kontrobersyal din.
Bago isalang ang sexy star ay puro mga bading na impersonators ang unang nagbigay kasiyahan sa mga manonood. Habang hinihintay na tawagin siya ay nakikipagkwentuhan muna ito sa ilang mga konsehales sa harap ng stage. Maganda naman ito kaya lang, makapal ang kanyang make-up. Ang hindi niya alam ay ipinagtatanong ng mga manonood kung sino ang baklang kausap ng mga konsehales. "Mukha talaga siyang bakla". Akala nila ay impersonator din ito.
"Gustung-gusto kong makipagbakbakan at makipagbarilan. Marunong naman ako ng martial arts," anang aktres.
Kung mabibigyan din ng pagkakataon, gusto niyang makatambal si Dennis Trillo. Magkatambal sila ni Tyron Perez sa Say That You Love Me kung saan nade-develop ang aktor kay Nadine dahil para sa kanya, isa ito sa may pinakamagandang mukha na nakita niya.
Nakapag-invest na si Nadine para sa isang Ford Everest at ngayon ay nag-iipon ng pera para sa kukuning bahay sa may Scout area sa Quezon City.
Ayon naman kay Polo may ispesyal na lugar pa rin sa kanyang puso si Shine at di mawawala yong magandang pagtingin niya rito.
Naging guest sa launching ng "Destiny" album sina Juan Rodrigo na di lang isang magaling na aktor kundi isa ring mahusay na singer at si Nonoy Zuñiga.
Sa Hunyo ay patungong Rome at Milan, sina Marri at Juan Rodrigo para sa series of shows doon.
Bago isalang ang sexy star ay puro mga bading na impersonators ang unang nagbigay kasiyahan sa mga manonood. Habang hinihintay na tawagin siya ay nakikipagkwentuhan muna ito sa ilang mga konsehales sa harap ng stage. Maganda naman ito kaya lang, makapal ang kanyang make-up. Ang hindi niya alam ay ipinagtatanong ng mga manonood kung sino ang baklang kausap ng mga konsehales. "Mukha talaga siyang bakla". Akala nila ay impersonator din ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended