Controversial guy na non-showbiz, di pumasa kay Francine
May 16, 2005 | 12:00am
Niligawan din pala si Francine Prieto ng isang controversial guy na kahit non-showbiz ay puro taga-showbiz ang gustong maging girlfriend. Hindi lang nakapasa ang guy kay Francine at sa ina nito, kahit kung anu-anong designer bags, wristwatch at mamahaling make-up ang iniregalo.
Grabe raw ang ginawang panliligaw ng guy sa isa sa cast ng Bikini Open dahil minsang magkita sila sa isang five-star hotel, sa elevator pa lang may flowers nang nakasabog sa floor at umabot yun sa function room kung saan magdi-dinner sina Francine at ang guy. Hanggang pag-uwi ng bahay ng sexy star, mga bulaklak pa rin ang sumalubong sa kanya.
Pinangakuan din daw si Francine ng trip abroad kasama ang buong pamilya pero, hindi yun pinatulan ng dalaga. Hindi nagtagal ang panliligaw ng controversial guy kay Francine dahil nahalata yatang hindi ito mapapasagot.
Incidentally, hindi kami sure kung isa si Francine sa cast ng Bikini Open na nakabangga ni Director Jeffrey Jeturian dahil sa shooting schedule. Nabalitaan naming nawala ang tampo ng cast sa kanilang director after mapanood ang pelikula. Gandang-ganda sila sa kabuuan nito at tiyak ding magugustuhan ng moviegoers pag ipinalabas na simula sa May 18.
Matagal pang matapos ang bahay na ipinapatayo ni Mark Herras sa may Batasan, Quezon City pero, excited na ang young actor. Isinama pa nga nito ang under construction four-bedroom house sa kanyang love list.
"By December, may korte na ang bahay namin. Ang sarap isipin dahil sa StarStruck at dahil sa showbiz ay nakapagpatayo ako ng bahay for my family. Kaya nga, kahit pagod at minsan, four to five hours lang ang tulog ko sa rami ng trabaho, okey pa rin sa akin," wika ni Mark.
Akala ni Mark, kapag natapos nila ni Jennylyn Mercado ang Say That You Love Me, makakapag-pahinga siya dahil taping na lang ng Encantadia at SOP Gigsters ang kanyang schedule. Nagulat pero, natuwa si Mark nang malamang may mga pelikula pa silang gagawin (ang Lovestruck ng GMA Films at White Lady ng Regal). Tampok din sila ni Jennylyn sa Urok episode ng Season Seven ng Love to Love.
Simula ngayong Lunes, ang Full House na ang makakatapat ng Meteor Garden. Matutuwa nito ang fans nina Rain (Justin) at Song Hye-Kyo (Jessie), lalo na yung hindi nasimulang mapanood ang hit na Korean novela.
Ang Sweet 18 ay ipapalit sa Endless Love 1 na malapit nang matapos. Kahit magandat nakakatuwa ang Sweet 18, hindi ito nag-hit sa Pinoy audience dahil di kilala ang mga bida. Ang ending, pang-Saturday at Sunday na lang siya.
Sa kalu-lurk namin sa sa mga forum sa Internet, nalaman naming nakapunta na ng Pilipinas si Rain. Sa Villa Escudero sa Laguna ito nag-stay at guest sa isang beauty contest. Hindi lang sinabi kung anong year pumunta rito ang Korean singer-actor. May nakakuha ng video at mabu-view ito sa www.my5minutes.com. Try nyo rin para mapatotohanan nyo ang tsikang ito.
Ini-announce minsan ni Cogie Domingo na kasali siya sa Darna at bukas na siya magsisimulang mapanood. Ang role niyay isa sa mga nakakaalam ng sikreto ni Narda/Darna at makakaribal nina Efren (Dennis Trillo) at Jun (Jeremy Marquez) kay Narda (Angel Locsin).
Hindi kapalit ni Richard Gutierrez si Cogie dahil bago pa mabalitang magi-guest si Richard, may nagbalita na sa aming papasok si Cogie sa teleserye. Ang hindi lang naikwento sa amin ay kung pang-matagalan ang labas nito o guest role lang.
Hindi tuloy ang banggaan sa takilya ng Say That You Love Me nina Jennylyn Mercado at Mark Herras at Nasaan Ka Man nina Claudine Barretto, Diether Ocampo at Jericho Rosales. Naurong sa June 22 ang playdate ng Star Cinema movie, samantalang tuloy sa June 1 ang showing ng pelikula nina Jennylyn at Mark.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended