Okey lang sana na magsalita ang ibang mga artista ng Dos na mula sa simula ay lehitimong taga-ABS CBN, pero sa katulad nila Anne at Toni na nagsimula bilang Kapuso ay napaka-pangit maringgan ng ganitong salita.
Para bang walang naitulong sa kanila ang Kapuso Network para magka-career sila at kaya nilang magsalita ng against sa istasyon na minsan ay naging tahanan di nila.
Bilang payo kina Anne at Toni, sanay iwasan nyo ang pagsasalita ng hindi maganda sa Siete na nagbigay ng pagkakataon sa inyo.
O kaya naman kahit konting respeto lang, pairalin nyo naman. Marami talagang mga artista ngayon ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan.
Muling na-postponed ang eleksyon ng Actors Guild kaya humihingi ako ng paumanhin doon sa mga dumalong miyembro.
Gustuhin man nating matapos na ang eleksyon pero, wala tayong magawa. Kasi naman wawalo lamang ang tumatakbong board member, samantalang kailangan natin ay 15.
Kaya pasensiya na sa mga miyembrong dumating, kailangan natin sundin ang kung anumang nakasaad sa ating konstitusyon.
Ganun pa man, patuloy ang aking pananawagan sa ating mga miyembrong artista at manggagawa ng industriya na magmalasakit at magbigay ng oras sa pagpaparehistro sa ating eleksyon.
Alam nyo naman na hindi na ako puwede pang mag-extend sa aking tungkulin. Tapos na ang aking termino.
Hiling ko sa mga miyembro ang pakikiisa sa layunin nating ituloy ang ating eleksyon para sa kapakanan ng ating industriya.
Nag-meeting na kami ni Tess Celestino ng Airtime Marketing para sa Star Olympics na gaganapin sa June at July sa Araneta Coliseum.
Ipapalabas ito sa ABS CBN na siyang magko-cover ng nasabing event. Wala namang magiging problema sa GMA-7 sa coverage ng Dos dahil kapwa napagkasunduan naman ito.
Di ba masarap makita na ang dalawang higante nating networks at ang kani-kanilang artista ay maglalaro sa ating taunang Star Olympics? Kaya naman tiyak na lalong magiging kapana-panabik ang ating palaro sa taong ito.
Sabagay, ito naman ang layunin ng ating Star Olympics, ang muling mapagsama-sama ang ating mga artista.
Maari kayong manood at suportahan ang inyong mga iniidolo sa dalawang Linggong palaro sa Araneta.