Magkasama sa Amerika sina Pops at Regine Velasquez dahil sa US tour ng kanilang Queens on Fire concert. Kinakitaan ba niya ng pagkabahala ang kaibigan nang mabalitang hinabol ito ng BIR?
"She told us na may lalabas na news tungkol doon and we felt sad for her. Ang alam ko, inaayos yun ng kanyang accountant at sana maayos na. Tinanong na rin ako kung naniniwala raw ba akong pinupuntirya ng BIR ang showbiz people? Siguro dahil mas visible ang mga artista. Wish ko lang, mabigyan ng chance na makapag-explain ang mga taga-showbis," pahayag ni Pops.
In a lighter mood, inalam namin kay Pops kung totoo ang nabanggit ni Martin Nievera na nililigawan ng anak nilang si Robin si Nikki Gil?
Si Martin talaga! Nagsumbong nga sa akin si Robin sa ginawa ng dad niya. Nahihiya siya kay Nikki because friends lang sila. Its not even true raw. Ha-ha-ha!
Naaliw pala si Pops sa tsikang nagkabalikan sila ni Brad Turvey, hindi rin daw totoo ito at hindi niya alam kung saan nanggaling ang balita.
In real life and at 15 years old, wala pa ring time sa boys si Shaina. Sinusunod nito ang request ng ina na pagdating na niya ng 16 o 18 years old siya mag-boyfriend. Kung ang ama ang masusunod, 30 years old na siya pwedeng mag-boyfriend at baka, 40 years old na raw siya payagan nitong mag-asawa.
Naalala naming there was a time na tutol si Shaina na mag-asawa ang ate niyang si Vina Morales. Ganoon pa rin ba ang stand niya ngayon.
"Okey na sa aking mag-asawa siya. Kaya lang, wala siyang boyfriend ngayon at nag-i-enjoy siya sa career niya. If ever mag-decide siyang mag-asawa na, hindi na ako tututol", wika ni Shaina.
Iba naman ang naalala ni Archie de Calma. May nagkwento sa kanyang sinabihan ni Mother Lily si Megan na wag gayahin si Snooky Serna sa bagal kumilos. Dont be like Snooky, sabi ni Mother. Nakakaaliw, ani Archie.
Busy nga sa kaiikot si Megan at kausap pa namin si Jennylyn kaya, hindi namin ito na-interview. Saka, maya-mayay sinundan siya ni Benj Pacia at hindi na hiniwalayan hanggang silay umuwi. Gusto na tuloy namin maniwalang tino-totoo ni Benj ang love team nila sa pelikulat nakabantay nga siya sa future super model at beauty queen.
Hindi nito maintindihan kung bakit nabago ang script dahil ang copy nilay, may three to four scenes ang anak pero, isang eksena lang ang nakunan at hindi na ito pinag-report sa shooting. Nagulat na lang silat tapos na ang pelikula.
Ayaw maakusahang nangingialam kaya, hindi na ipinaabot ng mother ng young star ang reklamo sa producer at director ng pelikula. Sa amin na walang alam sa production nito inilabas ang reklamo eh, wala rin naman kaming magawa.
Mabait ang young star at tanggap na hindi siya kasing-sikat ng mga bida ng pelikula at minabuting manahimik at magpaka-propesyonal. Naniniwala itong marami pang magagandang project ang darating sa kanya.