^

PSN Showbiz

Edad 30 papayagang mag-bf si Shaina

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Matagal nawala si Pops Fernandez kaya nang aming makita sa birthday party ni Aster Amoyo, balitang showbiz ang hinanap. Itinuro naming makinig sa ikinukwento ng isang may maraming alam sa showbis, umayaw naman.

Magkasama sa Amerika sina Pops at Regine Velasquez dahil sa US tour ng kanilang Queens on Fire concert. Kinakitaan ba niya ng pagkabahala ang kaibigan nang mabalitang hinabol ito ng BIR?

"She told us na may lalabas na news tungkol doon and we felt sad for her. Ang alam ko, inaayos yun ng kanyang accountant at sana maayos na. Tinanong na rin ako kung naniniwala raw ba akong pinupuntirya ng BIR ang showbiz people? Siguro dahil mas visible ang mga artista. Wish ko lang, mabigyan ng chance na makapag-explain ang mga taga-showbis," pahayag ni Pops.

In a lighter mood, inalam namin kay Pops kung totoo ang nabanggit ni Martin Nievera na nililigawan ng anak nilang si Robin si Nikki Gil?

Si Martin talaga! Nagsumbong nga sa akin si Robin sa ginawa ng dad niya. Nahihiya siya kay Nikki because friends lang sila. It’s not even true raw. Ha-ha-ha!

Naaliw pala si Pops sa tsikang nagkabalikan sila ni Brad Turvey, hindi rin daw totoo ito at hindi niya alam kung saan nanggaling ang balita.
* * *
Tatlo ang makakapareha ni Shaina Magdayao sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin at dahil kasisimula palang ng teleserye, hindi pa niya alam kung sino ang makakatuluyan niya kina Raphael Martinez, Kiko Matos at DM Sevilla.

In real life and at 15 years old, wala pa ring time sa boys si Shaina. Sinusunod nito ang request ng ina na pagdating na niya ng 16 o 18 years old siya mag-boyfriend. Kung ang ama ang masusunod, 30 years old na siya pwedeng mag-boyfriend at baka, 40 years old na raw siya payagan nitong mag-asawa.

Naalala naming there was a time na tutol si Shaina na mag-asawa ang ate niyang si Vina Morales. Ganoon pa rin ba ang stand niya ngayon.

"Okey na sa aking mag-asawa siya. Kaya lang, wala siyang boyfriend ngayon at nag-i-enjoy siya sa career niya. If ever mag-decide siyang mag-asawa na, hindi na ako tututol", wika ni Shaina.
* * *
Palakad-lakad si Megan Young after the presscon of Say That You Love Me nang mapansin siya ni Jennylyn Mercado. Sabi nito’y, pang-beauty queen at model ang dating ni Megan at tiyak na panalo ito pag sumali sa beauty pageant.

Iba naman ang naalala ni Archie de Calma. May nagkwento sa kanyang sinabihan ni Mother Lily si Megan na wag gayahin si Snooky Serna sa bagal kumilos. Don’t be like Snooky, sabi ni Mother. Nakakaaliw, ani Archie.

Busy nga sa kaiikot si Megan at kausap pa namin si Jennylyn kaya, hindi namin ito na-interview. Saka, maya-maya’y sinundan siya ni Benj Pacia at hindi na hiniwalayan hanggang sila’y umuwi. Gusto na tuloy namin maniwalang tino-totoo ni Benj ang love team nila sa pelikula’t nakabantay nga siya sa future super model at beauty queen.
* * *
Kausap namin ang mother ng isang pretty young star at inireklamo nito ang eksena ng anak sa bago nitong pelikula. Nagmukhang extra ang anak, isang eksena lang ito at hindi pa pinag-dub ng kanyang lines.

Hindi nito maintindihan kung bakit nabago ang script dahil ang copy nila’y, may three to four scenes ang anak pero, isang eksena lang ang nakunan at hindi na ito pinag-report sa shooting. Nagulat na lang sila’t tapos na ang pelikula.

Ayaw maakusahang nangingialam kaya, hindi na ipinaabot ng mother ng young star ang reklamo sa producer at director ng pelikula. Sa amin na walang alam sa production nito inilabas ang reklamo eh, wala rin naman kaming magawa.

Mabait ang young star at tanggap na hindi siya kasing-sikat ng mga bida ng pelikula at minabuting manahimik at magpaka-propesyonal. Naniniwala itong marami pang magagandang project ang darating sa kanya.

vuukle comment

ASTER AMOYO

BENJ PACIA

BRAD TURVEY

IKAW ANG LAHAT SA AKIN

MEGAN

NIYA

SHAINA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with