Tandem nina Jean at Eula,ibinabalik sa Kampanerang Kuba
May 15, 2005 | 12:00am
Maski ako nagulat nang malaman ko na isang musical show ang Kampanerang Kuba, ang bagong telefantasy ng ABS CBN na nagtatampok kay Anne Curtis sa title role. Ito ay bukod sa pagiging drama nito at fantasy. Gagawin din itong parang isang Disney movie na may animation. Katunayan may tatlong ibon sa serye, sina Susan, Susay at Susy na mamahalin lalo na ng mga batang manonood.
Both Eula Valdez and Jean Garcia, na magkakaron ng reunion matapos nilang pagalitin and at the same time pahangain ang mga TV viewers sa kanilang kahusayan bilang mga artista sa Sanay Wala Nang Wakas, ay ibinalik ang tandem at isinama sa Kampanerang Kuba bilang magkapatid na nagmamahalan pero, may mangyayari at magkakahiwalay sila. Makakapareha nila sa serye sina Jomari Yllana (Eula)at Yul Servo (Jean), parehong mas bata sa kanila pero sabi nila ay sanay na sila sa ganitong pagpapareha dahil hindi naman ito halata sa programa, solo at duet ng mga awiting talagang nilikha hindi lamang para sa kanila kundi para talaga sa serye na magkakaron ng soundtrack. At pasasayawin din sila!
Comfortable na ang dalawa sa isat isa, hindi lamang dahilan sa nagkasama na sila kundi bago pa sila pumalaot sa larangan ng pag-aartista ay nagkasama na sila sa mga palaro sa Star Olympics, sa larong volleyball.
Bilang magkapatid na Lourdes at Lucia sa serye, pareho silang mabubuntis at manganganak pero, hindi nila malalaman kung sino kina Anne Curtis at Jodi Sta. Maria ang tunay nilang anak sapagkat mawawala ang isa sa mga anak nila.
Gagawin ding fashion plate ang dalawang aktres, Bibihisan si Jean ng Karimadon para sa mga ispesyal niyang damit pero sa RTW, susuplayan siya ni Abel Bacudio. Ang Sari Sari naman, Urban & Co. at si Pepsi Herrera ang mag-aasikaso kay Eula.
Kay Bobot Mortiz nanggaling ang ideya ng bagong programa ng ABS-CBN na pinamagatang Mga Anghel Na Walang Langit. Nagsimula lamang ito nang mag-guest sila ng mga bata sa programang Wowowee. Pinili nila yung mga kapus palad na bata na kumuha ng interes ng maraming TV viewers. Marami sa mga ito ang tumawag para alamin kung paano sila makakatulong sa mga bata. May mga gustong mag-ampon at may mga gustong pag-aralin ang mga bata. But the caller came as far as the US and all over the country. Ang episode na ito ng naturang programa sa tanghali ang nagtala ng pinaka-mataas na rating para sa show.
Kay Direk Bobot din ang konsepto ng Goin Bulilit, ang hit program ng Dos na nagtatampok din sa mga bata. Una niya itong inialok sa ABC 5 pero, wala silang bakanteng lugar kaya kinuha ng Dos for one season only. Lumagpas na ito ng one season and going stronger.
Kailan lamang inere ang Mga Anghel Na Walang Langit pero, malakas na ang pick-up nito, isang maliwanag na inadikasyon na miss na ng viewers yung mga programa na mga bata ang gumaganap.
Limang kabataan anga bida sa ma-dramatikong serye, lahat ay mga taga-Goin Bulilit, sina Nikki Bagaporo, Carl John Barrameda, John Manalo, Miles Ocampo at Sharlene San Pedro. Bagaman at hindi sila mahirap i-direk dahil pawang mga professional ang ipinamamalas nilang attitude, still binigyan ang teleserye ng tatlong direktor, sina Maryo J. delos Reyes, Mae Cruz at Lino Cayetano, para higit pang mapaganda ang istorya at mapabilis ang pagta-trabaho since hindi pwedeng mapuyat ang mga bata. Kasama rin sa serye ang premyadong aktor na si Johnny Delgado na dahilan sa kahusayan kung kaya mas napalabas pa ang mga exceptional talents ng mga bata.
Both Eula Valdez and Jean Garcia, na magkakaron ng reunion matapos nilang pagalitin and at the same time pahangain ang mga TV viewers sa kanilang kahusayan bilang mga artista sa Sanay Wala Nang Wakas, ay ibinalik ang tandem at isinama sa Kampanerang Kuba bilang magkapatid na nagmamahalan pero, may mangyayari at magkakahiwalay sila. Makakapareha nila sa serye sina Jomari Yllana (Eula)at Yul Servo (Jean), parehong mas bata sa kanila pero sabi nila ay sanay na sila sa ganitong pagpapareha dahil hindi naman ito halata sa programa, solo at duet ng mga awiting talagang nilikha hindi lamang para sa kanila kundi para talaga sa serye na magkakaron ng soundtrack. At pasasayawin din sila!
Comfortable na ang dalawa sa isat isa, hindi lamang dahilan sa nagkasama na sila kundi bago pa sila pumalaot sa larangan ng pag-aartista ay nagkasama na sila sa mga palaro sa Star Olympics, sa larong volleyball.
Bilang magkapatid na Lourdes at Lucia sa serye, pareho silang mabubuntis at manganganak pero, hindi nila malalaman kung sino kina Anne Curtis at Jodi Sta. Maria ang tunay nilang anak sapagkat mawawala ang isa sa mga anak nila.
Gagawin ding fashion plate ang dalawang aktres, Bibihisan si Jean ng Karimadon para sa mga ispesyal niyang damit pero sa RTW, susuplayan siya ni Abel Bacudio. Ang Sari Sari naman, Urban & Co. at si Pepsi Herrera ang mag-aasikaso kay Eula.
Kay Direk Bobot din ang konsepto ng Goin Bulilit, ang hit program ng Dos na nagtatampok din sa mga bata. Una niya itong inialok sa ABC 5 pero, wala silang bakanteng lugar kaya kinuha ng Dos for one season only. Lumagpas na ito ng one season and going stronger.
Kailan lamang inere ang Mga Anghel Na Walang Langit pero, malakas na ang pick-up nito, isang maliwanag na inadikasyon na miss na ng viewers yung mga programa na mga bata ang gumaganap.
Limang kabataan anga bida sa ma-dramatikong serye, lahat ay mga taga-Goin Bulilit, sina Nikki Bagaporo, Carl John Barrameda, John Manalo, Miles Ocampo at Sharlene San Pedro. Bagaman at hindi sila mahirap i-direk dahil pawang mga professional ang ipinamamalas nilang attitude, still binigyan ang teleserye ng tatlong direktor, sina Maryo J. delos Reyes, Mae Cruz at Lino Cayetano, para higit pang mapaganda ang istorya at mapabilis ang pagta-trabaho since hindi pwedeng mapuyat ang mga bata. Kasama rin sa serye ang premyadong aktor na si Johnny Delgado na dahilan sa kahusayan kung kaya mas napalabas pa ang mga exceptional talents ng mga bata.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am