Phomela, kakausapin si Rica tungkol kay BJ!

In one day, hiwalay kong nakakwentuhan sina Rica Peralejo at Phoemela Baranda. Si Phoem habang kausap ko ang kaibigang Nancy Yabut sa Cork Grill. Si Rica naman, during dinner break ng Okey Fine, Ito Ang Gusto Ko sa Cork Grill din.

Sa kwentuhan namin ni Phoem, gusto raw niyang puntahan si Rica sa taping. Gusto niyang personal na kausapin ito tungkol sa isyu ni Phoem at Bernard Palanca. Si Phoem kasi ang sinasabing bagong dini-date ni Bernard.

"I want to to talk to her and explain na hindi ko boyfriend si BJ," sabi ni Phoem. Na sinagot namin ni Nancy ng "Why not visit her sa taping?". Sabi niya, gagawin daw niya.

Kinagabihan, si Rica naman ang nakausap ko. I asked her kung may gap sila ni Phoem. Ayon kay Rica, wala raw. Sinabi ko sa kanya na gusto siyang puntahan ni Phoem.

"Alam mo, EJ, walang problema sa akin yun, honest," sabi ni Rica. "If BJ’s courting her, well and good. Wala na kami ni BJ kaya we’re both free to date other people. Hindi talaga ako affected. At saka, Phoem’s a good person and a friend din. I have nothing against Phoem."

When asked kung may lovelife siya ngayon. "Wala pa but there’s this suitor ko na gusto ko na rin. Pero hindi pa kami. Non-showbiz siya."

Sina Rica at Phoem nga pala ang dalawang girls na kasama ni Luke Jickain sa summer ad ng Bench underwear.
* * *
Grabe ang kaabalahan ngayon ni Claudine Barretto. Mula nang dumating siya galing Dubai kung saan nag-shoot sila nina Aga Muhlach at John Lloyd Cruz ng pelikula under Star Cinema, sumalang agad siya sa taping para naman sa Ikaw Ang Lahat Sa Akin, ang bago niyang teleserye sa ABS-CBN.

Magsisimula na ito sa May 16 kaya puspusan ang taping niya. Then, magsisimula siyang mag-promote ng Nasaan Ka Man, ang movie niya with Jericho Rosales and Diether Ocampo.

"Hindi na po ako natutulog," sabi nito sa nakaraang presscon para sa teleserye niya. "Pag-uwi ko ng bahay sa madaling-araw, kailangan ko naman asikasuhin si Sabina. Then, before lunch time, taping or shooting na naman.

"Okey naman ako kasi talagang nagsabay-sabay lang lahat," sabi pa nito.

Sa May 17, lilipad naman si Claudine sa Cannes, Italy para sa Cannes Film Festival. Kasama kasi sa Cinemas of the World ang pelikula niyang Milan sa nasabing festival.

"I will be there sa screening date mismo," balita nito. "I have no time na makapasyal kasi I have to be back agad."

Show comments