"Wala. Title lang yun, walang problema. Ella Mae is Ella Mae and Jaya is Jaya. Pareho lang naming hinihiram ang title sa original "Soul Queen" na si Aretha Franklin," anang recording artist, TV host na sa sobrang kaligayahan ay tila hindi mo mapapagalit ng kahit na tungkol sa isyu sa kanila ni Ella Mae.
Wise decision dahil maganda ang tinatakbo ng kanyang career ngayon. Bukod sa kanyang bagong album, parehong nasa top position ang kanyang dalawang regular programs sa TV, ang SOP at ang K! The P1M Videoke Challenge. "I feel good dahil dalawa na kaming host ngayon ni Allan K at higit na mas mataas ang rating ng show ngayon, although in fairness to me, mataas din ang rating nito kahit nung wala pa akong kasama," pagtatanggol niya.
Bagay ang titulo ang album ("Fall In Love Again") sa kasalukuyang takbo ng buhay ng Soul Queen na kamakailan ay nakatagpo ng isang bagong pag-ibig sa katauhan ng isang Pinoy American na nakakabata sa kanya ng limang taon. Naka-based ito sa US at nagtatrabaho bilang isang General Manager sa isang telecommunications company. Nagkakilala sila sa US nung nakaraang taon nang magkaron si Jaya ng tour kasama ang Freestyle at si Basil Valdez. May anim na buwan na ang relasyon nila ngayon.
"Isa na naman itong long distance relationship sa isang Pampangueno na dun isinilang at lumaki sa US. Cute siya at may pangalang Gary G., isang simpleng tao, isang diborsyado na tulad ko at may anak. Marami kaming similarities, tulad ng close siya sa family ko at ako rin sa family niya."
Dapat ay si Ogie Alcasid ang nag-produce ng album ni Jaya pero dahilan sa kaabalahan nito, hindi na natuloy pero may mga compositions ito na ibinigay kay Jaya at kasama sa album, tulad ng "Akoy Sa Yo" "Bakit Di Mo Sabihin" (duet nila), "My Love" at "Maging Akin Ka Lamang". Ang madalas nang naririnig ngayon sa radyo ay ang komposisyon ni Vehnee Saturno na pinamagatang "Di Na Kita Mapipigilan".
May mga revivals sa loob "Look What Youve Done To Me" na inareglo ni Jay Durias, "Kung Akoy Iiwan Mo" ni George Canseco at isang jazzed up version ng "Matud Nila" na inareglong muli ni Jay Durias.
Ang iba pang selection ay ang "Aanhin Pa" "Night & Day" ni Emerson Tecson, "The Answer Is Love", "Stay True" ni Barbie Dumlao at sa "Duyan Ng Pag-ibig" ni Willy Cruz.
Para sa isang tulad ko na teenager na nung panahon ng Beatles, madali akong naka-relate sa kanilang music dahil may malaking influence ito sa grupo ng mga Briton na sumikat nung 60's. Sa pamamagitan nila, naalala ko rin ang mga grupong Fra Lippo Lippi at ang Dave Clark 5. Ganito ka-simple at kadali tanggapin ang kanilang musika.
Pero, kung paano sila tumugtog ng covers, ganundin sila kagaling gumawa ng mga original songs "Hanggang Kailan" , "Pabango ng Yong Mata" na parehong senti, ang "Lihim" na mayrong sinasabing kasalanan pero hanggang sa makatapos ang awitin ay di mo malalaman kung ano ito, "Cycle of Love", "Rock A Bye", "Strike Whilst The Iron Is Hot", "Heavern Knows The Angel Has Flown)" na dedicated nila sa kamamatay lamang na producer nila na si Bella Tan, at parang gusto ko ring maiyak nang makita kong nagpahid ng kanyang mga mata si Mcoy. I too miss the very lovely and kind lady of Universal Records.
Sikat na talaga ang Orange & Lemons na dati ay sa mga maliliit na lugar lamang gumagawa ng gigs pero, ngayon ay naron sila at dinandayo sa Gweilos sa Eastwood Libis.