^

PSN Showbiz

Botong-boto kay Juday ang ina ni Ryan

-
Taliwas ito sa mga intrigang kumakalat na ayaw ng magulang ni Ryan Agoncillo kay Judy Ann Santos para sa kanilang anak dahil botong-boto ang pamilyang Agoncillo sa aktres.

Sa programang Y Speak ng Studio 23 ay pwedeng ituring na ‘kilig’ day para sa mga followers ng Juday-Ryan tandem nang nakumbida ang mommy ni Juday na si Mommy Carol.

Habang naka-salang si Mommy Carol ay tyempong na-phone patch naman ang mommy ni Ryan at binati ng huli ang ina ni Juday ng "Happy Mother’s Day" at binati rin nito si Juday ng "Advance Happy Birthday" kalakip ang pagpapasalamat dito dahil maligaya raw ang kanyang anak sa mga panahon ngayon.

Sa programa naman ni Boy Abunda na Homeboy sa Channel 2 ay naging guest ang mag-inang Juday at Mommy Carol. Sa takbo ng mga kasagutan ng ina ng aktres tungkol kay Ryan ay halatang boto rin ito sa aktor dahil napansin nitong masaya ang kanyang anak sa piling ng aktor.

Tinanong ni Boy si Juday kung ang puso nito ay nasa pinakamasayang estado, na sinagot naman ito ng "Yes!" na ikinatuwa ng ina nito. At bilang pangwakas ay nagtanong uli si Boy kung anong regalong gustung-gusto nitong matanggap sa anak na agad namang sinagot na "apo". Isang pahayag na nagpasaya sa mga tao sa loob ng istudyo kaya lang, naging anti-climatic ang sagot ng aktres na kailangan muna nitong mag-ipon bago lumagay sa tahimik.

Samantala sa aming paglalakad sa may hallway ng ABS-CBN ay nakasalubong namin ang "anak" nina Tala (Juday) at Miguel (Ryan) sa katatapos lang na Krystala. Nakatuwaan namin siyang tanungin kung totoong magsyota na sina Juday at Ryan na walang kagatol-gatol niya itong isinagot ng "Opo". Alex Datu

ADVANCE HAPPY BIRTHDAY

ALEX DATU

BOY ABUNDA

HAPPY MOTHER

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MOMMY CAROL

RYAN

RYAN AGONCILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with