Ang malaking bentahe nito sa mga kalaban ay ka-boses niya si Martin Nievera na idolo niya.
Inamin nito na paborito niya si Angel Locsin dahil kamukha ito ng kanyang Cebuanang nobya.
Ayon dito, soulmates silang dalawa ni Claudine at matagal na silang magkaibigan. Tinanong ko rin si Claudine tungkol dito.
"Bestfriend ko si Diet at 11 years na ang aming friendship. May usapan kami na walang ligawang mangyayari para hindi masira ang aming friendship. Pareho sila ng ugali ni Raymart na parang suplado at malalim na tao pero mabait naman sila. Wala kaming inililihim ni Diet sa isat isa kahit pa ang lovelife. Solid ang foundation namin bilang mag-bestfriend," anang aktres.
Magkasunod ang kanilang birthday-July 19 si Diet at 20 naman si Claudine kaya siguro, compatible silang dalawa. Naiiba ang soap opera na Ikaw Ang Lahat Sa Akin.Gagampanan ni Claudine ang papel ni Nea, isang babaeng laki sa hirap at hinahanap-hanap ang pagmamahal ng buong pamilya. Si Diether si Ivan na nasa kanya na ang lahat pero, gusto pa ring maabot ang matayog na ambisyon hanggang sa balikan siya ng madilim na nakaraan.
Nang tanungin ito kung kanino niya sasabihin ang mga katagang "Ikaw Ang Lahat Sa Akin" ay wala itong gatol sa pagsasabing ang daddy niya ang pinakamahalagang lalaki sa buhay niya.
Kasama rin si Carmi Martin sa naturang serye. Natutuwa siya na mapasama sa teleserye kung saan enjoy siya sa mga kasamang artista lalo na si Claudine.
May ginawa itong soap opera sa Dos last year pero di siya nagtagal. Magsisimula ang teleserye sa Mayo 16 sa direksyon ni Erik Reyes.
Mabait naman si Hero at tahimik pero very transparent. Kaya nang magkatampuhan sila ni Sandara Park ay hindi nito naitago ang kanyang tunay na saloobin. Halos sirain ang kanyang pagkatao dahil sa pagiging totoo. Hindi ginusto ni Hero na makasakit ng kapwa at masaktan din.
Yung aktor na kasama ang nobya ay si A at ng tatlong lalaking si B, C, D ay magkakabarkada at lumalabas pa rin sa telebisyon at pelikula.