"Ayaw ko na itong pag-usapan," tanggi ng young actress na nagsabing hindi siya aware sa demanda at lalo sa sinasabing pag-uwi dito ng kanyang tunay na ina.
Pero, syempre, papayag ba ang movie press sa ganitong sagot? Kaya si Aling Lydia Mercado, ang kinagisnang ina ni Jennylyn at kapatid sa dugo ng kanyang tunay na ina, ang hinarap at tinanong ng press.
"Hindi namin alam na may nakaambang demanda. Pero, kung sakali man, nakahanda kami rito. Wala namang layunin ang palabas na siraan siya. Kapatid ko siya at naron pa rin ang pagmamahal at respeto. Bukas ay darating din ang isa pa naming kapatid na babae mula naman sa Australia, si Thelma, ang unang nag-aruga kay Jennylyn. Kung sakali, eh di magkikita-kita kami. Di na nakita ni Jennylyn ang tunay niyang ina since grade 6 siya," ani Aling Lydia.
Kung ayaw man sagutin ni Jennylyn ang tungkol sa tunay niyang ina, mapagbigay naman siya sa sagot tungkol sa maraming bagay tungkol sa kanya at sa boyfriend niyang si Mark Herras, katambal din niya sa una nilang solo movie sa Regal Entertainment, ang Say That You Love Me na kasama rin sina Tuesday Vargas, Bearwin Meily, Nadine Samonte, Cristine Reyes, at marami pang iba sa direksyon ni Mac Alejandre.
"Hindi na super seloso si Mark ngayon. Nakapag-adjust na rin siya," pagtatanggol nito sa boyfriend na gayong birthday na niya sa Linggo ay wala pa siyang hiling kung ano ang ire-regalo nito sa kanya.
Seventh member si Jeri Mitchelle, 18 years old at tumatayong 54". Simula sa pagkabata, pangarap na nitong mapabilang sa magulo pero, masayang mundo ng showbiz.
Marami ang ginulat niya sa kahusayan niyang kumanta at sumayaw. Nakapagsasalita rin siya ng mahusay na Tagalog at Ingles at magaling sumagot sa mga tanong na ibinato sa kanya.
Kumuha ng acting, dance at voice lessons si Jeri sa isang theater arts studio sa USA. Siya ang tatayong lider ng Regatta Girls.
Ngayon, may bagong celebrity endorsers sina Drs. Manny & Pie, si Angel Locsin para sa Calayan Surgi Center. Swerte nila dahil, pinakasikat si Angel ngayon among the younger generation of stars.