Dahil sa kakapusan ng oras ay hindi na natuloy ang birthday concert nito na idaraos sana sa Music Museum para sa kanyang BATA Foundation. May pelikula kasi itong ginawa ang Say That You Love Me.
Sa kaarawan nito ay pupunta siya sa isang orphanage sa Cavite para pasayahin ang mga bata kung saan namamahagi ito ng mga regalo. Syempre katuwang sa magandang gawain ang kanyang nobyong si Mark Herras.
Tama ang hula ko sa Top Four contenders na sina Jonalyn Viray, Charmaine Piamonte, Brenan Espartinez at Michael Anthony Garcia.
Nagsimula kaming magpustahan ng ilang kapatid sa panulat nang dalawa na lang ang matira-sina Jonalyn at Brenan. Inawit nila kapawa ang "Miracle" kung saan may linyang sumabit si Brenan.
Kunsabagay, mas kailangan ni Jonalyn ang premyo at deserving naman siya bilang champion. Naalala ko nang tanungin ko siya nun kung bakit sumali sa Pinoy Pop Superstar. Financial problem ang dahilan kaya halos napaiyak sa katuwaan ang kanyang magulang sa pagkakapanalo nito.
Nang manalo si Jonalyn ay binuhat pa niya ito dahil masaya rin siya sa pagkapanalo ng dalagita.
Nasabi nito na kapag stable na ang isang malaking negosyong bubuksan nito na tutulong sa mga Pinoy sa abroad ay baka matuloy na ang kasal nila ni Kristine Hermosa. Gusto niyang may matatag na kabuhayan para sa kanyang pamilya.
Balak din nyang magprodyus ng pelikula balang araw kaya interesado rin si Diet na mag-aral ng filmmaking.
Kabaligtaran ngayon ang katayuan ng singer dahil ayon sa balita, siya na mismo ang tumatawag sa mga talent coordinator ng ibat ibang shows para mai-guest lang siya. Baka nga naman makalimutan na siya ng mga tao.