Ganito ang feeling ni Jerome John Hughes sa magandang takbo ng kanyang career ngayon, pagkatapos ng walong taon niyang paghihintay.
Nagsimula muna siya sa pagmo-model hanggang sa lumalabas na siya sa mga movies. Nagkaroon na rin siya ng sariling album noon pero hindi ito nabigyan ng magandang exposure. Hanggang maging busy siya uli sa kanyang modelling career.
Dahilan sa hinahanap pa rin ni Jerome ang pagkanta, kung kaya muli siyang nakipag-negotiate kay Lito Camo na siyang song writer din niya sa kanyang first album noon.
Pagkatapos ay ipinagkatiwala na sa kanya ang theme song ng Metro Manila Film Festival Best Picture Mano Po 3, "Pagbigyan Ang Puso", (na nanalo ring Best Theme Song sa Philippine Movie Press Club Star Awards), "Mahal Kita" Aishite Imasu (kinompose rin ni Lito Camo), ang theme song din ng boxoffice movie ng GMA Films na Let The Love Begin.
Ngayon ay muling ipinagkatiwala sa kanya ang awiting "Mahiwagang Puso", theme song ng Encantadia ng GMA ka-duet si Karylle.
Busy si Jerome sa paglilibot sa mga malls at bars para sa kanyang album na "Jerome John Hughes: We Could Be In Love" na release ng Universal Records.
Itoy naglalaman ng 16 cuts tulad ng "Let The Love Begin," "Pagbigyan Ang Puso," "Hindi Magbabago," "Mahal Kita," "Nakikiusap," "We Could Be In Love," "Straight From The Heart," Come Back To Me," Right By Your Side," "Let Me Be The One," "Im Falling For You" at marami pang iba.
Si Hec ay si Hector Fernandez sa tunay na buhay na related din kina Eddie Fernandez at Pops Fernandez.
Ang album ni Hec na pinamagatang "Musta Na Ba", na ang carrier single ay "Hanggang Sa Panaginip" ay naglalaman ng walong kanta na si Hec ang sumulat.
Si Kristian ay ipinanganak sa Cebu City pero lumaki sa Hawaii nang mag-migrate ang kanyang pamilya doon.
Kumakanta lang daw siya sa kusina habang nagluluto sa kanilang bahay. Minsan ay nagpasama lamang sa kanya ang kanyang kaibigan nang magkaroon ng audition ang Mackintosh Production sa Hawaii. Pero pati siya ay pinakanta rin ng namamahala.
Pagkatapos marinig ang kanyang boses ay pinangakuan na siyang dadalhin sa Germany para lumabas sa Miss Saigon. Ang buo niyang akala ay lalabas siya bilang isa sa mga bar girls. Hindi niya alam na siya ang gaganap bilang Kim.
Ngayon ay nasa bansa si Kristian, siya ang kahalili bilang Ti Moune sa musical play na Once on This Island na magkakaroon ng run mula May 13-May 29 sa Carlos P. Romulo Theater, RCBC Plaza, Ayala Ave., corner Gil Puyat Ave.