Dingdong, abot-langit na ang ere
May 10, 2005 | 12:00am
Pinabalik ni Mr. Gabby Lopez Jr, Chairman at CEO ng ABS-CBN ang utak ng kanyang kumpanya na si Mr. Freddie M. Garcia bilang consultant at umupo na ito last week lang.
Ideya ni Mr. Garcia ang pagbabalik ng phenomenal hit nilang Meteor Garden na ikinasikat ng F4 na nag-umpisa na kahapon, Lunes bago mag-TV Patrol World at sinibak ang Video Joking.
Matatandaang ang Meteor Garden ang nagpabagsak sa ilang programa ng GMA 7 two years ago at naniniwala si FMG (tawag kay Mr. Garcia) na hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pinoy ang F4.
Samantala, sa nakaraang Mancom o Management Committee Meeting ng mga bossing ay napag-usapan ito na ibalik si Korina Sanchez sa TV Patrol World dahil mas hinahanap pa rin daw siya ng viewers dahil simula raw nung umupo si Karen Davila ay hindi na nakaangat pa ang news program ng Dos.
Dagdag pa na ang TV Patrol ang flag ship ni FMG kayat nailing daw ito sa sinapit ng naturang programa.
In fairness, okey naman daw ang performance ng Presidente ng ABS-CBN na si Mr. Cito Alejandro lalo na sa mga empleyado nila, kaso may mga bagay pa raw itong hindi niya makapa kayat muling kinuha si FMG.
"Iba kasi ang pinanggalingan ni Cito. Mas malaki ang ABS CBN kaysa sa mga hawak niyang ketchup product," dagdag pa ng taga-Dos.
Gaano katotoo na may tampo kay Dingdong Dantes ang ilang myembro ng Abstract Dancers dahil hindi raw type ni Dingdong na makasama silang sumayaw?
Dating myembro ng Abstract Dancers si Dingdong bago ito nagsolo at kasama niya sina Dino Guevarra at Sherwin Ordoñez at sa isang programa sa GMA 7 ay may concept na magkaroon ng showdown ang tatlo kasama ang Abstract Dancers ngayon.
Naloka lang ang isang staff ng GMA dahil hindi raw pumayag si Dingdong o ng kampo niya na makipagsabayan, kina Dino at sinabi nitong bigyan na lang siya ng solo spot number.
Nagulat din kami, ibig bang sabihin, hindi na kinikilala ng ex-boyfriend ni Antoinette Taus na present boyfriend naman ngayon ni Karylle ang grupong pinanggalingan? Susme, mukhang hindi magandang ugali ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Sige ka, baka pasukan ng bubog ang paa mo, hindi ka na makalakad muli.
Galit na ang ilang kasamahan namin sa hanapbuhay sa isang struggling broadsheet columnist na nagsusulat sa dyaryong limitado ang nagbabasa na wala na yatang ginawa sa buhay niya kundi banatan ang lahat ng kasamahan niya sa hanapbuhay kasama na ang editor naming si Ms. Veronica Samio sa kolum niya three times a week (sked ng labas niya).
Actually, kami ang unang biktima niya at walang puknat kaming tinitira, minsan lang namin siyang sinagot at hindi na nasundan pa dahil napagtanto namin na sayang ang espasyo at higit sa lahat, talo kami dahil mas maraming exposures siyang makukuha dahil mas marami kaming pinagsusulatan kumpara sa kanya na limitado nga ang nagbabasa.
Anyway, hindi na kami nakatiis nung tirahin niya sa kolum niya ang editor naming si Salve Asis (PM) at kumare naming si Ian Fariñas (entertainment editor ng Peoples Tonight) na bakit ngayon lang daw pumutak tungkol sa ginawang pangha-harass ni Willie Revillame two years ago?
Ano bang paki niya kung ngayon lang nagkalakas ng loob na magdemanda si Salve? Bakit, wala na ba siyang ma-deadline at pati personal na problema ng mga kasamahan niya sa hanapbuhay ay pinakikialaman niya? At hindi pa ron nagtapos, galing pa raw sa dysfunctional family ang karamihan sa mga editor at kolumnista na nagsusulat ngayon. Haay, out of context na talaga ang pinagsusulat nitong nagpapapansing broadsheet columnist. Gaano nga kaya kaganda ang pamilyang pinanggalingan niya? At alam kaya ng pamilya niya ang pinaggagawa niya sa trabaho niya? Sabi nga ng isang kagalang-galang na editor, "Hes so pathetic".
Anyway, mukhang nagtagumpay siya sa pagpapansin niya dahil pagbalik ni Salve galing Beijing, China ay ipapa-contempt of court ang naturang broadsheet columnist dahil sa mga personal nitong atake laban sa editor.
And speaking of Willie Revillame ay nakakwentuhan namin ang isa sa co-host niya sa Wowowee na si Janelle Jamer, yung bestfriend ni Regine Velasquez sa Forever In My Heart na lumipat sa ABS-CBN dahil wala raw offer ang GMA 7 after ng soap drama nila ni Songbird.
Binati namin si Janelle nang "O, naka-demanda host mo" at mabilis niya kaming sinagot ng, "hamo siya, basta huwag lang ako ang iha-harass niya dahil tiyak na magkaka-demandahan kami."
Sinundot uli namin kung kumusta ang pakikitungo ni Willie sa kanya?
"Okey naman, hindi naman kami close, e. Trabaho lang, pero minsan nagbibiro, e, ako naman pag biniro okey lang, huwag lang below the belt dahil aalma ako at saka hindi kami talo, iisa ang nanay-nanayan namin, si Nay Cristy Fermin. So far, okey, siguro ingat siya ngayon kasi may demanda nga," pahayag ni Janelle. Reggee Bonoan
Ideya ni Mr. Garcia ang pagbabalik ng phenomenal hit nilang Meteor Garden na ikinasikat ng F4 na nag-umpisa na kahapon, Lunes bago mag-TV Patrol World at sinibak ang Video Joking.
Matatandaang ang Meteor Garden ang nagpabagsak sa ilang programa ng GMA 7 two years ago at naniniwala si FMG (tawag kay Mr. Garcia) na hindi pa rin nakakalimutan ng mga Pinoy ang F4.
Samantala, sa nakaraang Mancom o Management Committee Meeting ng mga bossing ay napag-usapan ito na ibalik si Korina Sanchez sa TV Patrol World dahil mas hinahanap pa rin daw siya ng viewers dahil simula raw nung umupo si Karen Davila ay hindi na nakaangat pa ang news program ng Dos.
Dagdag pa na ang TV Patrol ang flag ship ni FMG kayat nailing daw ito sa sinapit ng naturang programa.
In fairness, okey naman daw ang performance ng Presidente ng ABS-CBN na si Mr. Cito Alejandro lalo na sa mga empleyado nila, kaso may mga bagay pa raw itong hindi niya makapa kayat muling kinuha si FMG.
"Iba kasi ang pinanggalingan ni Cito. Mas malaki ang ABS CBN kaysa sa mga hawak niyang ketchup product," dagdag pa ng taga-Dos.
Dating myembro ng Abstract Dancers si Dingdong bago ito nagsolo at kasama niya sina Dino Guevarra at Sherwin Ordoñez at sa isang programa sa GMA 7 ay may concept na magkaroon ng showdown ang tatlo kasama ang Abstract Dancers ngayon.
Naloka lang ang isang staff ng GMA dahil hindi raw pumayag si Dingdong o ng kampo niya na makipagsabayan, kina Dino at sinabi nitong bigyan na lang siya ng solo spot number.
Nagulat din kami, ibig bang sabihin, hindi na kinikilala ng ex-boyfriend ni Antoinette Taus na present boyfriend naman ngayon ni Karylle ang grupong pinanggalingan? Susme, mukhang hindi magandang ugali ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan. Sige ka, baka pasukan ng bubog ang paa mo, hindi ka na makalakad muli.
Actually, kami ang unang biktima niya at walang puknat kaming tinitira, minsan lang namin siyang sinagot at hindi na nasundan pa dahil napagtanto namin na sayang ang espasyo at higit sa lahat, talo kami dahil mas maraming exposures siyang makukuha dahil mas marami kaming pinagsusulatan kumpara sa kanya na limitado nga ang nagbabasa.
Anyway, hindi na kami nakatiis nung tirahin niya sa kolum niya ang editor naming si Salve Asis (PM) at kumare naming si Ian Fariñas (entertainment editor ng Peoples Tonight) na bakit ngayon lang daw pumutak tungkol sa ginawang pangha-harass ni Willie Revillame two years ago?
Ano bang paki niya kung ngayon lang nagkalakas ng loob na magdemanda si Salve? Bakit, wala na ba siyang ma-deadline at pati personal na problema ng mga kasamahan niya sa hanapbuhay ay pinakikialaman niya? At hindi pa ron nagtapos, galing pa raw sa dysfunctional family ang karamihan sa mga editor at kolumnista na nagsusulat ngayon. Haay, out of context na talaga ang pinagsusulat nitong nagpapapansing broadsheet columnist. Gaano nga kaya kaganda ang pamilyang pinanggalingan niya? At alam kaya ng pamilya niya ang pinaggagawa niya sa trabaho niya? Sabi nga ng isang kagalang-galang na editor, "Hes so pathetic".
Anyway, mukhang nagtagumpay siya sa pagpapansin niya dahil pagbalik ni Salve galing Beijing, China ay ipapa-contempt of court ang naturang broadsheet columnist dahil sa mga personal nitong atake laban sa editor.
Binati namin si Janelle nang "O, naka-demanda host mo" at mabilis niya kaming sinagot ng, "hamo siya, basta huwag lang ako ang iha-harass niya dahil tiyak na magkaka-demandahan kami."
Sinundot uli namin kung kumusta ang pakikitungo ni Willie sa kanya?
"Okey naman, hindi naman kami close, e. Trabaho lang, pero minsan nagbibiro, e, ako naman pag biniro okey lang, huwag lang below the belt dahil aalma ako at saka hindi kami talo, iisa ang nanay-nanayan namin, si Nay Cristy Fermin. So far, okey, siguro ingat siya ngayon kasi may demanda nga," pahayag ni Janelle. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended