May ilan ngang nasa denial stage at iniisip na para sa promo ng Encantadia ang kanilang pag-amin. Pero, kung makikita lang nila ang nakikita naming ikinikilos ng love birds, off-camera, maniniwala silang nagmamahalan ang dalawa. Sweet sila na hindi naman bulgar at hindi masasabing PDA o Public Display of Affection.
Bukod sa posted messages, may mga litrato nina Antoinette at Dingdong kaming nakitat yung isay ikinagulat namin. Naghahalikan ang ex-lovers at talagang lips-to-lips as in. Saan kaya kuha yun at kailan nangyari? Pareho silang nakaputi at parang nagsasayaw.
Ayaw naming tanungin si Dingdong tungkol ditot baka sabihing makulit kamit sinagot na niya ang isyung ito. Saka, the first time lumabas ang pictures nila ni Antoinette, hindi niya tiningnan kahit may copy ng tabloid sa venue kung saan namin sila nakita ni Karylle.
Mas masa-shock nga lang si Dingdong kapag nakita ang nadiskubre naming litrato. Wala lang kaming alam mag-copy paste at ibang kaek-ekan sa Net kaya, hindi namin makopya ang shocking picture.
Kung natatandaan namin, idinenay na ito ni Jopay sa Startalk at S Files pero, mukhang ayaw siyang tantanan ng tsismis. Gusto nga yata ng writer na awayin at sugurin ni Bing Loyzaga si Jopay. Ha-ha-ha!
Ang nakakatuwa lang sa tsikang ito, habang pinaghihinalaang buntis si Jopay, araw-araw pa rin siyang napapanood na sumasayaw sa Eat Bulaga. At hindi basta sayaw ang kanyang ginagawa kasama ang Sexbomb dahil talagang yumuyugyog ang buo niyang katawan. Naisip namin na kung talagang buntis siya, titigil na siya sa kasasayaw. Hindi ba?
May special number sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Patrick Garcia, Jodi Sta. Maria, Baron Geisler at Desiree del Valle. Sneak preview lang daw ito sa big happening at engrandeng selebrasyon na mangyayari sa May 29.
Naalala namin, hindi ba kasama sa Tabing Ilog si Paolo Contis? Bakit hindi siya kasama sa reunion? Ayaw ba ni Desiree o dahil lumalabas sa GMA-7 ang actor?