Isa itong fantasy movie na kung saan ay kinulam siya ng ina ni Maxene dahilan sa pagiging tsikboy niya at naging kuba. Makakaalis lamang siya rito kapag nakakita siya ng isang tunay na pag-ibig. O di ba familiar?
Mayron din siyang isang sitcom na nakatakdang simulan kasama sina Aiai delas Alas, Randy Santiago at Vhong Navarro.
May July playdate ang movie.
March of next year ay tutungo ng US si John para kumuha ng course sa filmmaking sa New York University. Tatlong buwan lamang ito tatagal.
"Pangarap ko ring makapag-direct ng short film at MTV and eventually a film balang araw," aniya.
Ayon naman kay Maxene, matagal na silang magkaibigan ni John, sa Ang TV pa. "Kaya walang problema sa aming dalawa. Naging closer nga kami while shooting Playboy Kuba dahil sa Tanay, walang signal kaya kaming dalawa ang madalas na magkausap," sabi nito.
Nasa bansa muli si Stella at binabalikan ang kanyang pagkanta. Tinanggal na niya ang kanyang apelyido bilang screen name. Sa pagbabalik niya, bitbit niya ang isang awitin na nirecord niya sa US, isang ballad na pinamagatang "Its Not Easy To Let Go", isang komposisyon ni Saverio Principini, gumawa rin ng kanta para kina Avril Lavigne at Hilary Duff. Tumulong din sa recording si Michael Tacci, ang sound engineer ng bandang Metallica.
Habang nagaganap ito sa US, may tinanggap na tawag ang road manager ni Stella mula sa Galaxy Records, sister company ng Universal Records para sabihin na ang isang kanta na ini-record ni Stella para sa kanila maraming taon na ang nakakaraan ay ginawang carrier single ng isang bagong album na inilabas nila. Ito ang "Cry Over You" at nakatakdang lumabas ang album na ito sa buwang ito.
At parang nagsisimula na ang swerte ni Stella dahil next month, sisimulan na nila ni Archie Castillo ang kanyang solo album at makakasama rito ang awitin ni Principini. Nakatakda ring magkaron ng campus tour, mall tour, radio at bar tour si Stella. Excited siya dahil kung kelan siya nag-decide na mag-quit, saka naman nagiging maganda ang takbo ng kanyang singing career.