Yong mga ipinagmamalaki nilang robotics o mga characters na pinatatakbo ng mga robots, hindi rin naging masyadong impressive. Palagay nga namin, magagawa rin yan kahit na hindi gumamit ng ganoong klase ng teknolohiya. Katunayan, marami na ngang nagawang ganyang mga characters noong araw pa, na hindi naman ginamitan ng ganyan kamahal na teknolohiya.
Yong opticals na ipinakita nila sa mga unang araw ng serye ay karaniwan lamang. Hindi rin naman ganoon ka-impressive. Mukhang mahal nga ang ginastos nila sa kanilang itinayong set sa isang sound stage, at syempre may rental sila sa soundstage na yon, at siguro nga dahil sa dami ng staff ng serye ay malaki talaga ang gastos nila sa payroll. Pero kung titingnan mo ang kinalabasan ng serye, wala namang masyadong ipinagkaiba sa mga nauna nilang ginawa. Sa tingin nga namin, maganda pa ang dating ng Mulawin. Kunsabagay, nagsisimula pa lamang naman sila. Hindi pa natin alam kung anong milagro pa ang kanilang palalabasin sa kanilang bagong serye. Pero kung ganoon-ganoon lamang ang magiging takbo ng istorya, at yon lamang naman ang kanilang opticals na ipakikita, palagay namin masasabi nga nating wala rin namang bago talaga sa teleseryeng yan.
Excited silang lahat, dahil ang mananalo nga sa kanila ay kakatawan sa ating bansa sa Man of the Year International na gaganapin naman sa Disyembre sa Bali, Indonesia. Ipinagmamalaki rin nila na hindi kagaya ng ibang mga male personality contests, sila ay sumasailalim daw sa mga personality development at acting workshops din.
Ang organizers ng contest na yan ay parehong talent managers, sina Ihman Esturco at Coco Simmo. At sinasabi nga nila na hindi naman kasi one shot deal, kundi long range ang kanilang plano para sa event na yan. Kaya nga sinisikap nila na mabigyan ng prestige ang nasabing contest, hindi kagaya ng iba na balahuraan lang talaga.
Natigilan daw ang male bold star nang makita ng aking source. Isipin mo nga naman sa dinami-dami ng makakakita sa kanya, taga-showbusiness pa. Pero mapipigil ba niya ang matrona sa ano mang gustong gawin noon, eh siguro naman malaki ang bayad kaya niya pinatulan.