Pambato ng QPids
May 3, 2005 | 12:00am
Napakaganda ni Isabel Blaise na kasama sa bagong programang Qpids, ang bagong reality based loveteam search ng ABS-CBN. Fifteen years old lang ito at third year high school sa Miriam College pero ngayoy nasa Distance Learning School ng ABS-CBN.
Nagpapasalamat nga si Isabel dahil isa siya sa 20 myembro ng Star Circle Quest na natanggal pero binigyan uli ng pagkakataon para matupad ang pangarap na maging artista. Pinag-workshop sila at ngayon ay may TV show na. Paborito niya si Maricel Soriano at gusto niyang sundan ang yapak nito.
Huminto na ang kanyang ina sa pagtatrabaho sa kantina sa may terminal ng Shaw Blvd. para masamahan siya.
Limang taon pa lang ay marunong na siyang umarte. Natatandaan niyang siyay umiiyak sa harap ng salamin. Sakaling mabigyan ng solo movie ay gusto niyang makapareha si Jericho Rosales.
"Pero gusto ko ring makapareha ang ka-loveteam kong si Felix Roco dahil mabait siya at komportable ako kapag siya ang katambal ko," aniya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended