"Rachelle represented the country in Shanghai Song Festival last year and one of the judges there who happens to be the director general of the Voice of Asia, invited si Rachelle since shes one of the winners ng festival," ayon kay Tito Vehnee.
Ayon pa rin kay Tito Vehnee, so far ay wala pang umuwing luhaan sa mga ipinanlaban ng bansa sa Voice of Asia. Mataandaan na naging grand champion si Nadine Roxas sa naturang kontes noong 2001. Sinundan ito ni Arnie Hidalgo noong 2002 na nakuha ang second prize at Most Beautiful Candidate, Jedd Madela noong 2003 na nag-second prize din at noong nakaraang taon nga ay lumaban si Sheryn Regis na nakuha ang second prize din.
Samantala, sinubukan naman ni Tito Vehnee na kunin si Sarah Geronimo upang ilaban sa interational songfest, ngunit hindi umano ito pinayagan ng kanyang manager na si Vic del Rosario ng Viva. Balak naman ni Tito Vehnee na ilaban din isa sa ibang bansa ang sa mga finalists ng Pinoy Pop Superstar na si Jonalyn. Ayon kay Tito Vehnee, iba ang dating ng boses ng naturang finalist kung kayat puwedeng-pwede itong contender sa mga intertional songfest. Atty Tonton