^

PSN Showbiz

Rachelle Ann Go, muling ilalaban ng Pilipinas sa International Songfest

-
Nakausap ko noong isang araw lamang ang magaling na composer na si Vehnee Saturno. Natutuwa ito dahil muli silang na-invite upang magkaroon ng representative ang bansa sa 2005 Voice of Asia sa second week of August. Ayon kay Tito Vehnee, muling ilalaban ng bansa ang tinaguriang Ultimate Champion na si Rachelle Ann Go. Nagustuhan umano si Rachelle ng isang hurado sa isang International songfest na sinalihan nito last year.

"Rachelle represented the country in Shanghai Song Festival last year and one of the judges there who happens to be the director general of the Voice of Asia, invited si Rachelle since she’s one of the winners ng festival," ayon kay Tito Vehnee.

Ayon pa rin kay Tito Vehnee, so far ay wala pang umuwing luhaan sa mga ipinanlaban ng bansa sa Voice of Asia. Mataandaan na naging grand champion si Nadine Roxas sa naturang kontes noong 2001. Sinundan ito ni Arnie Hidalgo noong 2002 na nakuha ang second prize at Most Beautiful Candidate, Jedd Madela noong 2003 na nag-second prize din at noong nakaraang taon nga ay lumaban si Sheryn Regis na nakuha ang second prize din.

Samantala, sinubukan naman ni Tito Vehnee na kunin si Sarah Geronimo upang ilaban sa interational songfest, ngunit hindi umano ito pinayagan ng kanyang manager na si Vic del Rosario ng Viva. Balak naman ni Tito Vehnee na ilaban din isa sa ibang bansa ang sa mga finalists ng Pinoy Pop Superstar na si Jonalyn. Ayon kay Tito Vehnee, iba ang dating ng boses ng naturang finalist kung kaya’t puwedeng-pwede itong contender sa mga intertional songfest. Atty Tonton

ARNIE HIDALGO

ATTY TONTON

AYON

JEDD MADELA

MOST BEAUTIFUL CANDIDATE

NADINE ROXAS

PINOY POP SUPERSTAR

RACHELLE

TITO VEHNEE

VOICE OF ASIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with