Ito sina Michael Garcia ang binansagang heartthrob balladeer at si Kristel Amor, ang power belter ng grupo.
Bukod sa isang siguradong stardom na makakamit ng mananalo, mayron pa siyang libreng bahay at lupa sa isang magandang subdivision, isang Futura Classic na itatayo ng Filinvest. Mayron pa rin siyang isang bagong Toyota Innova na kotse at isang taong recording contract sa GMA Records. Di ba bongga at kainggit-inggit?!
Bukod kina Michael at Kristel, may anim pang grand finalist na hindi papayag na basta laban lamang ang ibibigay nila. Tulad ng singing sweetheart na si Charmaine Piamonte na kung hindi nakapasa sa kanyang audition para sa Pinoy Pop Superstar ay balak sanang mag-audition din sa StarStruck. Hindi na ito nangyari dahil agad siyang nakapasa sa kanyang audition sa pagkanta. Malakas pa rin ang laban ng passionate performer na si MC Monterola, R&B sensation na si Brenan Espartinez, soul princess Jonalyn Viray at ang 2 import from North America, sina Philbert de Torres na taga-Vancouver, Canada at si Sheila Ferrarie na taga-US pero sa Canada rin nakipaglaban.
Si Philbert ay sumasali talaga sa mga amateur singing contest kasama na ang Canadian Idol where he made it to the top 30. Hindi siya sumali sa American Idol dahil mas pinili niya ang Pinoy Pop Superstar dahil Pinoy siya.
Kaagapay ng mga grand contenders sa paghubog sa kanilang talento ang designer at stylist na si Pepsi Herrera, personality development expert na si Olen Lim, vocal coach Annie Nepomuceno, make-up artist George Bantolino ng Salon de Orient, singer Sushi Reyes ng The Opera, Choreographer Andrew Ferraris ng Whiplash, director Freddie Santos at musical director Raul Mitra.
Gaganapin ang grand showdown sa May 8 sa Araneta Coliseum.
Ang 14 years old na kapatid ni Gwen, si Gwendolyn ay isang malakas na contender sa Miss Teen Philippines. Ang ina nila, si Malou Ramos ay dating ramp model sa Europe na nakapangasawa ang isang negosyante na ang ama ay isang mayor sa Paris nun. Si G. Ruais ay napiling dito na manirahan sa bansa.
Ang Soul Control ay isang hot duo na kilala sa worldwide dance music scene. Sa kanila galing ang "Chocolate (Choco-Choco). Binubuo ito nina Tom at Leo.
Ang children activity center na pinangalanang Sentrong Musmos ay ipinangalan kay Mrs. Felicidad Sy. Nagpapasalamat si Dr. Reuben Flores, direktor ng Jose Fabella Hospital sa kanilang mga donor at sponsor.
Kung nun ay naghahanap tayo ng mga bagong mukha at boses na maaring pumalit sa mga performers natin na mas concentrated na ngayon sa abroad like Martin Nievera, eto si Jon Joven at dito naman sa sarili niyang bansa gustong magkapangalan. He has a beautiful voice at kahit nanggaling na sa ibang bansa ay wala pang ere. Dali na, bago pa lumaki ang kanyang ulo at mawalan na naman tayo ng iidolohin. Incidentally, Johnson Uy siya nung nasa Thats at kabilang sa Tuesday group.
Dahil sa tagumpay ng kanyang debut concert sa Club Mwah! which was topbilled by Pilita Corrales, nagpasya si Kuya Germ na gawan ito ng repeat sa nasabi ring venue sa buwang ito ng Mayo. Abangan na lamang ang announcement sa Master Showman.