Ito palang si TV host, ay humiling ng security escorts sa gobyerno sa pamamagitan ng mga inimbentong death threats.
Kaya ngayon hindi lamang ang mga mayayamang kalalakihan na niloko nila ng milyun-milyon ang nagantso kundi pati na ang pamahalaan. Libre ang security escorts at ang taumbayan ang nagbabayad sa mga ito. Ang matindi pa nito, ang mga pinagkakakompromisuhan nila ng kanyang ina ay hindi na nga makalapit upang maningil sa kanila dahil isang batalyon ang bodyguard nila.
Sino ang general ang nagbigay ng security sa TV host? Ang nasabing heneral kaya na balitang maimpluwensya pa rin sa pamahalaan?
Ang payo nito sa mga baguhang singer na gustong sumikat balang araw ay mamili ng mga awiting babagay sa kanila.
Apat na taong gulang lang ito nang magsimulang kumanta. Nang sumapit na sa ika-siyam na taon ay nagsimula na itong mag-formal training ng voice lessons kung saan ang kanyang voice coach ay si Liza Agot.
Isa siyang asthmatic at ang paglalangoy ang nagsisilbing therapy sa kanyang mahinang baga. Nakatulong din ito sa kanyang breathing lesson sa pagkanta. Dahil sa pagiging magaling na swimmer ay naging miyembro ito ng Philippine Team at naipadala sa Vietnam. Nagkamit siya ng 2 bronze medals sa Thailand noong 2002.
Ano ang gagawin niya sa 1 milyon sakaling siya ang tanghaling grand champion?
"Ibibigay ko po sa nanay ko dahil gagamitin niya ito sa pagpapagamot sa akin. May sakit po akong hypoparathyroid, isang uri ng sakit na nagko-control sa calcium. Inborn po ito," aniya.
Paborito ni Nikki si Sarah Geronimo dahil nagagalingan siya rito bukod sa pagiging mabait. Third year high school na si Nikki sa Bible Baptist Christian Academy at gustong kumuha ng Political Science sa college at magtutuloy sa Law.
Ang pelikula ay istorya ng apat na hayop na lumaki sa zoo. Basta nabanggit ang tungkol sa gubat, sila ay nagwawala. Si Alex the Lion (Stiller) ay ang hari ng urban jungle at main attraction sa Central Park Zoo sa New York. Siya at ang mga kaibigang sina Marty the Zebra (Chris Rock), Melman the Melanie (Schwimmer) at Gloria the Hippo (Pinkett Smith) ay namuhay nang nakakulong pero sagana sa maraming pagkain.
Nang maging curious kung anong meron sa tunay na gubat, si Marty, sa tulong ng ilang tusong penguins, ay tumakas. Sina Alex, Melman at Gloria ay sumunod sa kanya. Pero matapos na maging sanhi ng kaguluhan sa kalsada, sila ay hinuli at isinakay sa barko ng mga taong nag-akalang dapat silang palayain mula sa magulong buhay sa New York.
Produksyon ng Dream Works Animation SKG, ang Madagascar ay nagtatampok din sa boses nina Sacha Baron Cohen (TVs DA Ali G Show), Cedric the Entertainer (Barbershop) at Andy Richter (Elf). Release ito sa Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.