Bukod kay Lopez, kinasuhan din ng paglabag sa Intellectual Property Code sina Luis Alejandro, president and COO; Ma. Rosario "Charo" Santos-Concio, executive vice president & head ng ABS-CBN entertainment group; Ma. Socorro Vidanes, senior vice president/TV production; at Roldeo Edrinal, vice president-talk variety & game/TV production.
Kasama rin sa charged sheet sina Nancy Yabut, executive director; Gia Suyao at Louie Andrada, kapwa production managers; Jonathan Diaz, director; Roxy Liquigan, supervising producer; Lani Gutierrez, Jenny Ingalian, associate producers at Romer Gonzales, head writer ng programang The Buzz.
Nabatid na nagsampa ng reklamo si Atty. Dick Perez, vice president for legal affair ng GMA Network Inc. at Ms. Jocelyn Cansio, president at chairman of the board ng Focus Entertainment, Inc. na noong Pebrero 13 , ay ipinalabas sa programang The Buzz ang ilang footages sa programang Daisy Siete nang walang anumang pahintulot mula sa kanila. (Ulat Ni Doris Franche)