Isa pang kontrobersiyal na Regine!
April 29, 2005 | 12:00am
Matapos na malagay sa balita si Regine Velasquez dahilan sa isyu ng pagbabayad ng buwis, eto at isa na namang Regine, si Regine Tolentino, ang umaagaw ng pansin ng marami dahilan naman sa ilang isyu na kinasasangkutan niya.
Matapos ang isyu ng diumano ay may kinalaman sa kasong estafa, eto ang isa pang matinding pagtatanong mula sa isang mapagkakatiwalaang source tungkol sa kung sino ang nagpaluwal ng pera para maipatayo niya ang kanyang dance studio sa New Manila, QC, na pinabasbasan niya kamakailan lamang.
Bonggang-bongga raw ang lugar na napapalibutan ng salamin ayon sa aking source na ayon kay Regine ay nagmula ang perang ipinagpagawa rito sa kanyang mga kinita sa kanyang boutique, VCD albums at sa savings niya sa bangko. May sosyo rin daw dito ng konti si Lander Vera Perez.
Pero nung Marso 7, 2005, may pumasok na kalahating milyong piso sa account ni Regine sa Equitable PCI-Timog Branch na may account number na 1383-06975-7 at itoy mula sa bank account ng isang nagngangalang Delos Angeles, kapangalan ng kamakailan ay nagdemanda kay Regine ng estafa. Hindi lang isang beses nag-deposito ito ng pera sa account ni Regine, ilang ulit ito na kung susumahin ay aabot sa ilang milyon.
Totoo nga bang, ito ang perang ipinagpatayo mo ng iyong Dance Studio, Regine?
Muli nagbabalik ang batikang broadcaster na si Gani Oro sa kanyang programang Oro Mismo sa Radio Mindanao Network o mas kilala bilang RMN-DZXL 558 sa inyong mga radyo.
Nakilala si Gani Oro bilang isang voice talent sa RMN, 20 taon na ang nakararaan bago ito sumabak sa news reporting.
Isa si Gani na tagapag-ulat na pumaimbabaw sa ere nung pinaslang si Ninoy Aquino. Kinuha siya ng ABS CBN nung kasagsagan ng kanyang career sa ere. Naging tagapag-ulat siya sa Hoy Gising! Kasabay nito ang kapanganakan ng kanyang Oro Mismo at ang pagtatalaga sa kanya bilang host.
Taong 1991 nang parangalan siya bilang "War Correspondent of the Year" dahil sa mahusay niyang pag-uulat sa Unang Gulf War sa Iraq.
Sa kainitan ng labanan ng mga higanteng network sa ginawang paglilitis sa kaso ni ERAP, nahimok si Gani na sumama sa GMA7. Pinayagan din siya na maibalik sa ere ang Oro Mismo na lumabas na numero uno sa isang isinagawang survey ng AC Nielsen. Kasabay ng pagbabalita niya sa Teledyaryo sa NBN 4.
Sa ngayon, mapapakinggan si Gani sa isang public-debate format sa programang Argumento kasama ang station manager ng RMN na si Ely Saludar.
Ang bagets na aktres na gumaganap bilang Betina sa Saang Sulok ng Langit at SOP Gigsters ng GMA7 na si Margaret Wilson, ang napiling Reyna Elena sa Santacrusan sa Binangonan, Rizal sa Mayo 8, 7:00 NG sa pagdiriwang ng Pista ng Krus sa Brgy. Libid.
Ang gown niya ay likha ni Joel Niones, isang mahusay na designer. Konsorte naman niya si Jan Lloyd de Borja.
Ilan sa mga nakumbida na para maging Reyna Elena ay sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jodi Sta. Maria, Jessa Zaragoza, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo, Ana Roces, Tina Monasterio, Hazel Espinosa at Marianne dela Riva.
Chair Komite ng Santacrusan si Gomer O. Celestial, Brgy. Chairman Larry G. Arada at Kgd. Lucy Flora ng Cultural Affairs sa pakikipagtulungan nina Gov, Casimiro M. Ynares, Jr., Cong. Jack Duavit, Mayor Cesar M. Ynares, Dra. Rose Martha C. Ynares, Victor Santos, Dante Quismundo, G & Gng. Joel Gavino, G & Gng. Noel Tirana, Kabalikat Civicom, Binangonan Riders Club at Brgy. Tanod para sa kaayusan ng prusisyon.
E-mail: [email protected]
Matapos ang isyu ng diumano ay may kinalaman sa kasong estafa, eto ang isa pang matinding pagtatanong mula sa isang mapagkakatiwalaang source tungkol sa kung sino ang nagpaluwal ng pera para maipatayo niya ang kanyang dance studio sa New Manila, QC, na pinabasbasan niya kamakailan lamang.
Bonggang-bongga raw ang lugar na napapalibutan ng salamin ayon sa aking source na ayon kay Regine ay nagmula ang perang ipinagpagawa rito sa kanyang mga kinita sa kanyang boutique, VCD albums at sa savings niya sa bangko. May sosyo rin daw dito ng konti si Lander Vera Perez.
Pero nung Marso 7, 2005, may pumasok na kalahating milyong piso sa account ni Regine sa Equitable PCI-Timog Branch na may account number na 1383-06975-7 at itoy mula sa bank account ng isang nagngangalang Delos Angeles, kapangalan ng kamakailan ay nagdemanda kay Regine ng estafa. Hindi lang isang beses nag-deposito ito ng pera sa account ni Regine, ilang ulit ito na kung susumahin ay aabot sa ilang milyon.
Totoo nga bang, ito ang perang ipinagpatayo mo ng iyong Dance Studio, Regine?
Nakilala si Gani Oro bilang isang voice talent sa RMN, 20 taon na ang nakararaan bago ito sumabak sa news reporting.
Isa si Gani na tagapag-ulat na pumaimbabaw sa ere nung pinaslang si Ninoy Aquino. Kinuha siya ng ABS CBN nung kasagsagan ng kanyang career sa ere. Naging tagapag-ulat siya sa Hoy Gising! Kasabay nito ang kapanganakan ng kanyang Oro Mismo at ang pagtatalaga sa kanya bilang host.
Taong 1991 nang parangalan siya bilang "War Correspondent of the Year" dahil sa mahusay niyang pag-uulat sa Unang Gulf War sa Iraq.
Sa kainitan ng labanan ng mga higanteng network sa ginawang paglilitis sa kaso ni ERAP, nahimok si Gani na sumama sa GMA7. Pinayagan din siya na maibalik sa ere ang Oro Mismo na lumabas na numero uno sa isang isinagawang survey ng AC Nielsen. Kasabay ng pagbabalita niya sa Teledyaryo sa NBN 4.
Sa ngayon, mapapakinggan si Gani sa isang public-debate format sa programang Argumento kasama ang station manager ng RMN na si Ely Saludar.
Ang gown niya ay likha ni Joel Niones, isang mahusay na designer. Konsorte naman niya si Jan Lloyd de Borja.
Ilan sa mga nakumbida na para maging Reyna Elena ay sina Judy Ann Santos, Bea Alonzo, Rica Peralejo, Beth Tamayo, Alma Concepcion, Jodi Sta. Maria, Jessa Zaragoza, Lindsay Custodio, Kaye Abad, Paula Peralejo, Krista Ranillo, Ana Roces, Tina Monasterio, Hazel Espinosa at Marianne dela Riva.
Chair Komite ng Santacrusan si Gomer O. Celestial, Brgy. Chairman Larry G. Arada at Kgd. Lucy Flora ng Cultural Affairs sa pakikipagtulungan nina Gov, Casimiro M. Ynares, Jr., Cong. Jack Duavit, Mayor Cesar M. Ynares, Dra. Rose Martha C. Ynares, Victor Santos, Dante Quismundo, G & Gng. Joel Gavino, G & Gng. Noel Tirana, Kabalikat Civicom, Binangonan Riders Club at Brgy. Tanod para sa kaayusan ng prusisyon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended