When it was Christian Bautistas turn to perform, hiyawan ang audience when the host called his name. Palakpakan. Pero nang kumanta na si Christian. halos hindi ako makapaniwala sa narinig kong boses. I asked myself, "Hey, ito ba ang Christian Bautista na lagi kong naririnig ang kanyang mga awitin sa aking Winamp player tuwing umaga? Gandang-ganda ako sa kanyang version ng "Colour Everywhere", "Hands To Heaven at "The Way You Look At Me". Yung palakpakan at hiyawan ay bigla na lamang nag-die down nang kumakanta na siya. Narinig ko ang comment ng isang katabi ko, "Ano ba yan, sintunado!" It was really disappointing to hear and watch him perform live that night. Ako ang naawa sa kanya dahil halos walang power ang boses niya at off key pa siya minsan. Sad to say, marami ang disappointed sa kanya after his performance.
Ang ganda ng boses ni Christian sa kanyang CD album. Pero bakit iba yata ang napakinggan kong quality ng boses niya that night? Out of tune, kulang sa performance level at halatang wala siya sa porma.
I think its time for Carlo Orosa to evaluate every performance of his talent para walang magku-complain na mga producers na hindi sulit ang binabayad nilang talent. fee Any moment bigla na lamang maglaho na parang bula itong si Christian once hindi ma-develop ang craft niya as a singer. Christian needs a good manager na tututukan siya ng husto? Audie See