Richard, di pumunta ng b-day ni Angel dahil naro'n si Oyo Boy?

Isang taong anibersaryo na nina Mark Herras at Jennylyn Mercado ngayong April 29, bilang mag-boyfriend/girlfriend at hindi pa alam kung paano nila ito isi-celebrate dahil may trabaho raw sila.

Samantala, hindi nagugustuhan ng mga taong nakakakita na hatid sundo ni Jennylyn si Mark kapag dinadalaw siya sa bahay nila sa Batasan Hills.

Say ng taong nagmamalasakit sa dalagita, "Nakakainis lang kay Mark, everytime na dadalaw siya sa bahay nina Jennylyn, gusto susunduin siya at ihahatid kapag pauwi na. Di ba, dapat siya ang lalaki, siya ang mag-effort?

"Ito naman si Jennylyn, sunud-sunuran naman kay Mark at kapag walang driver, si Jennylyn mismo ang nagda-drive," kumpletong kwento sa amin.

Kung totoo nga ito, nakakapagtaka nga dahil may sarili namang sasakyan ang binata, bakit kailangan niyang magpasundo’t hatid? Nanghihinayang ba siya sa gasolinang makukunsumo niya papunta sa bahay ng mahal niya? 
* * *
Sa birthday party ni Angel Locsin ay maraming naghanap kay Richard Gutierrez, bakit daw wala siya gayung may pinagsamahan naman sila ni Angel during the Mulawin days at nu’ng birthday din ng actor last January ay pumunta ang dating leading lady niya.

Dumaan ang publicist ni Richard na si Jun Lalin sa party at sinabi niya kay Ms. Becky Aguila, manager ni Angel na hindi nga makakapunta si Richard dahil may taping ito.

Pero nu’ng makita naman ang actor sa GMA 7 kamakailan at tinanong kung bakit wala siya sa party ni Angel ay nagkandabulol sa pagsagot na nasa bahay siya ng kanyang kamag-anak at may ginawa, maya-maya ay binawi at sinabing may pinuntahan.

Naku, mukhang hindi nag-usap sina Richard at ang publicist niya dahil magkaiba ang sinasabi.

Anyway, gusto na lang naming isiping sinadyang hindi pumunta ni Aguiluz sa party ni Alwina para iwas intriga dahil nga naroon si Oyo Boy Sotto? 
* * *
Jampacked ang Araneta Coliseum sa nakaraang final judgement ng StarStruck Batch 1 and 2 at sa nalalapit na grand finals ng Pinoy Pop Superstar na gaganapin sa May 8, Linggo sa ganap na alas-siete ng gabi ay inambisyon din ng mga finalist na sina Michael Garcia, Kristel Astor, Charmaine Piamonte, MC Monterola, Brenan Espartinez, Jonalyn Viray, Phulbert de Torres at Sheila Ferrari na mapuno ang big dome.

Kampante naman ang staff ng Pinoy Pop Superstar na mapupuno nga nila ang 17,000 seating capacity dahil halos lahat daw ng provincial tours at shows nila ay punumpuno ang venue at kilala raw lahat ang finalists. – Reggee Bonoan

Show comments