May ilang naniniwala na may pusong lalaki ang maganda at magaling na TV host dahil magiliw daw ito sa mga babae.
Magaling din ito sa komedi kaya madaling nakagawa ng pangalan sa isang malaking network pero lumipat sa ibang istasyon.
Umaayon naman dito ang megastar pero kaya niya naisipang magprodyus ng pelikula with Tony Gloria dahil mahal niya ang movie industry. Halos kalahati ng kanyang buhay ay inukol sa pag-aartista.
"Kahit sabihing maraming gastos ang paggawa ng pelikula kung saan inabot din ng P15M ang La Visa Loca ay naniniwala ako sa proyekto at sa script. I believe in the project and Im proud to say na may tiwala ako kay Direk Mark Meily. Hindi commercial ang dating nito pero nakakaantig ng damdamin. Natatandaan ko ang sinabi ng aking daddy noong nabubuhay pa siya nang sabihin sa akin na maging smart ako sa aking earnings at mag-invest sa negosyong mahal ko. Kaya pinasok ko na rin ang pagpo-produced ng pelikuka," aniya.
Nang tanungin kung bakit niya pinili si Robin Padilla para maging bida ng pelikula ay ito ang naging pahayag niya: "I believe in Robin as a good actor. Hes very professional at isa sa pinakamasarap na katrabaho. I love this guy."
Sa kabilang banda, isang dedicated na Muslim ang aktor kaya naman nagbunga ang kanyang malaking pagbabago. Marami pa rin siyang ginagawang proyekto-mapa-telebisyon at mapa-pelikula. Naging mabuti itong asawa kay Liezl at ama kay Queenie na 13 years old na, Kyle, 11, ShinShin, 9 at ang tatlong taong gulang na si Ali.
Pumayag itong gampanan ang role bilang ina ng teenager na si Jennylyn Mercado dahil isa naman siyang engkantada.
"Fairies dont age at all," aniya.
Kinumusta rin si Brad Turvey na nali-link sa kanya ngayon. Pero sinabi nitong wala siyang physical attraction sa ex-boyfriend ni Pops Fernandez. Kaya nanatili na lang silang magkaibigan. Bagamat may ilang nanliligaw sa kanya ay hanggang date lang muna sila. Prioridad pa rin nito ang career at naniniwalang kusang darating ang pag-ibig.