Sina Robin Padilla at Rufa Mae Quinto ang mga pangunahing bituin ng nabanggit na pelikula mula sa panulat at director ng matagumpay na si Mark Meily.
Ayon kay Sharon, iisa umano ang vision nila ni G. Tony Gloria, ang matulungan ang patuloy na naghihingalong industriya ng pelikulang Pilipino.
"Kung hindi tayo magtutulungan, sino pa ang tutulong sa industriyang ito na mahal ko at mahal nating lahat?" pahayag pa ni Sharon.
Dahil nasa Amerika si G. Tony Gloria at inaasikaso ang pagpapalabas doon ng La Visa Loca, si Sharon na ang kumatawan sa kanyang co-producer.
As always, inspired si Sharon sa kanyang bagong career bilang movie producer lalo pat sobra ang paniniwala niya sa kanyang mga artista, director at co-producer.
"Hindi kami naghahangad na maging box office success ang pelikula. Maisampa lamang ang puhunan at kaunting tubo ay masaya na kami," diin niya.
"Syempre, nakakataba ng puso na mapasama sa La Visa Loca na si Robin ang kapareha mo at megastar ang producer," lahad ni Rufa Mae.
Hindi maikakaila sa lahat na kahit hindi nagkatuluyan sina Sharon at Robin ay napanatili nila ang pagiging magkaibigan hanggang ngayon.
Bukod sa Buraot, may dalawa pang pelikula si Mikey na hindi pa naipapalabas at meron din siyang sisimulang isang malaking pelikula sa isang malaking movie production.
Sa darating na Abril 26 ay 36 anyos na ang panganay ni Tita Glo at sa susunod na buwan ay magkakaroon ng bagong karagdagan sa kanilang pamilya dahil nakatakdang isilang ng kanyang