Sabi ni Sharon, matagal na niya itong gustong gawin. Isa sa maraming dahilan ay para matulungan ang sinasabi ng marami na naghihingalo na ang industriya na minahal at kinagisnan niya, ang industriya ng pelikula.
Besides, malaki ang tiwala niya sa business partner niyang si Mr. Tony Gloria ng Unitel Pictures. Malaki ang role ni Mr. Gloria sa career ni Sharon noong nagsisimula lang siya sa Viva. Si Mr. Gloria ang ka-partner noon ng kanyang daddy sa kanyang mga movies sa Viva.
Kaya nang minsang magkita sila bago pa niya gawin ang Crying Ladies, na-mention na niya kay Mr. Gloria na interesado siya na mag-invest sa pagpo-produce ng pelikula.
Hanggang gawin niya ang Crying Ladies at doon na nagtuloy-tuloy hanggang ma-closed nga nila ang La Visa Loca.
Personal choice ni Mega si Rufa Mae for the movie, kaya nga touched si Rufa Mae dahil first time niyang narinig na personal choice siya nina Mega at leading man niyang si Robin Padilla.
Si Mark Meiley, na nakilala sa Crying Ladies ang director ng La Visa Loca.
Nanood daw siya ng recent show ni Ara Mina sa Virgin Café sa Tomas Morato. Napansin daw niyang ilang beses na dinedicate ng actress ang kanyang mga songs sa isang certain Boy. "Siyempre naintriga ang lahat ng tao kasama na ang ilang showbiz scribes at mga regular customers ng nasabing establishment," sabi pa ng source.
Mukha rin daw inspirado si Ara sa pagkanta at papukol-pukol pa ng tingin sa isang direksyon ng Virgin Cafe as in napansin nilang sinusulyapan itong mystery man na si Boy. Ayon pa sa aming spy, ang kasama ni Ara noong gabing iyon ay si Celso delos Angeles na ang palayaw ay "Boy" dating producer ng Legacy Films at dating chairman ng Legacy Group of Companies na nagmamay-ari ng ilang mga bangko rin.
Nang imbestigahan ng spy, nalaman nilang separated pala itong si Delos Angeles kaya pwedeng-pwede kay Ara.
Ngayon ay government official pala itong si Delos Angeles. Pangulo raw ng National Home Mortgage Finance Corporation, isang ahensiya ng pamahalaan na nagbibigay ng financial assistance sa mga kapus-palad na gustong magkabahay at lupa.
Ang tanong ngayon, si Boy na kaya ang ipinalit ni Ara kay Jomari Yllana na committed na ngayon kay Ms. Denmark? Say pa ng nakakita, mukhang masaya at inspirado raw si Ara nung gabing iyon.
Panahon na naman kasi para lumigaya si Ara. Matagal-tagal na rin siyang loveless pagkatapos nilang mag-split ni Jom.
The last time na naka-usap ko si Ara, say ni hindi pa raw siya ready na ma-in love uli. Pero sa nakita ng spy, mukhang naka-recover na siya at tumitibok na uli ang kanyang puso.