Inamin nito na kapag ikinasal sila ni Kristine Hermosa ay kukunin nilang abay sa kasal ang magandang aktres.
First time na magkatrabaho sina Piolo at Louie sa recording, bagamat nagkasama na sila sa major concert ni Piolo sa Araneta Coliseum. Ang album na ito ay sinimulan noong November last year at natigil ng December dahil nag-abroad si Piolo kaya natapos lang noong unang linggo ng Marso.
Hindi kataka-takang magaling kumanta ang aktor dahil choir member ito sa iskwelahan noong high school hanggang college sa UST. Magaling ding kumanta ang kanyang daddy na ala-Frank Sinatra ang boses kaya nang mamatay ito ay sinabihan siya ng kanyang mommy na sanay may makakuha ng ganda ng boses ng namayapang ama.
May 10 awiting nakapaloob sa kanyang bagong album na kinabibilangan ng "Shadow of Time", "So Many Questions", "Closer You and I", "Without" at "Forever" at mga bagong compositions gaya ng "Group Hug", "Pansinin Mo Ako", "No Regrets" at "Sanay Malaman Mo".
May follow-up concert si Piolo sa Araneta Coliseum sa Disyembre.
Naghahanda na ang seksing aktres para sa concert na gagawin a Music Museum sa April 29 na tatampukan ng magaling na composer na si Lito Camo.
Nagbabalik ang nakakatakot na babaeng multo na si Samara na nagmula sa balon pati na ang female reporter na si Rachel Weller na ginampanan ni Naomi Watts. Narun pa rin ang mga nakakatili at mga bayolenteng eksena.
Magaling ang batang aktor na gumanap ng anak ni Rachel lalo na sa eksenang inilulublob ng ina sa bathtub.