Tinanong namin ang dating co-host ng Eat Bulaga kung bakit siya nawala at inisa-isa namin ang mga isyung dahilan kaya siya tinanggal sa naturang noontime show.
Una ay dahil na-link siya kay Anjo Yllana at hiniling na tanggalin siya sa show ng asawang si Jackie Manzano-Yllana dahil nagkasuguran noon during the taping ng K, The P1M Videoke Challenge. Pangalawa, nali-link siya sa isa sa myembro ng Sex Bomb dahil lesbian siya at ang pangatlo, nagalit sa kanya si Mr. Tony Tuviera dahil nung magkaroon sila ng out of the country trip para sa bonding session ng buong Eat Bulaga ay bukod tanging siya lang ang humiwalay sa grupo.
"Wow, ang dami palang isyu, actually, the first issue, mis-informed yata si Jackie, and walang sugurang nangyari, ako rin nagtataka kung bakit ako na-link kay Anjo, e, three years na ako sa show, nung lumitaw yun, hindi totoo yun.
"Second, Im a lesbian daw? Ha, ha, hindi rin totoo, Im straight and I have a boyfriend for one year now. Siguro porke boyish ako kumilos akala nila lesbian ako, e, Im into sports kaya ganito ako, plus nagma-martial arts pa ako.
"And third one, yung trip sa Hongkong, aminado po ako na its my fault talaga kasi hindi ko naman alam na yung dinner palang yun, e, bonding session namin. Nagpaalam po kasi ako sa lahat na may dadalawin akong friends na matagal ko nang hindi nakita and since naroon kami, I grabbed the chance na dalawin, e, nataon pala yun sa dinner. Wala naman silang sinabi sa akin, so okey lang. But when I learned that, nag-sorry ako sa lahat, especially to Mr. Tuviera and to Ms. Malou and okey naman daw. Tapos kinausap na nga ako ni Ms. Malou na till November na nga lang ako, hindi na nila ni-renew ang contract ko after three years. I really felt bad at that time kasi hindi man lang ako napasama sa 25th year ng Eat Bulaga sa Expo Filipino in Angeles, e, taga-Angeles pa mandin ako," mahaba niyang paliwanag.
Aminado si Leila na gusto niyang bumalik sa Eat Bulaga, pero nahihiya siya dahil baka raw hindi na siya tanggapin, ang naturang programa raw ang pangalawa niyang pamilya.
At laking pasalamat niya dahil ka-join siya sa Encantadia at importante pa ang role niya.
May mga balita kasing lumabas na nagpapa-release siya sa Siete dahil hindi siya nabibigyan ng project at kagagawan daw ito ng staff ng GMA Artist Center.
"I dont wanna divulge that issue because Im with GMA Artist Center at nag-usap na kami ni Maam Wilma na kaming dalawa lang, so I hope you understand kung hindi ko pwedeng sabihin kung ano ang pinag-usapan namin.
"I can say na okey na kami ng Artist Center, walang problema and Im happy now because of Encantadia," magandang paliwanag ni Sunshine.
Nabanggit din uli ng magaling na aktres na hindi sumama ang loob niya nung hindi siya napili sa Darna dahil, "Blessing din siguro dahil mas malaking project ang ibibigay sa akin, itong role ko sa Encantadia na very challenging dahil bida-kontrabida ang role ko rito. In fact, Im very happy that Angel (Locsin) got the role, sabi ko nga, she deserves it. At dapat magtulungan kami dahil nasa iisang network kami nagta-trabaho, hindi dapat nagsisiraan.
"Sa ibang network kasi, sila-silang mga staff and talent ang nagsisiraan, thats stupidity, dapat nagtutulungan para iangat ang network dahil kung nag-boom ito, sino bang makikinabang, di ba kami ring mga talents? I dont really understand kung bakit may mga siraang nangyayari," magandang paliwanag ni Sunshine. Reggee Bonoan