Kaga-graduate lang nito ng high school sa Manila Patriotic School. Kapag libre na sa showbiz commitment ay gusto nitong tapusin ang college at kumuha ng Tourism o HRM.
Naka-concentrate ito sa pag-aaral kaya ayaw muna ni Katrina na magka-boyfriend.
Matangkad ang aktres (54") at may vital statistics na 341/2-26-35. Pwedeng-pwede siyang maging sexy star, di ba?
Pero ayon kay Katrina, ayaw niyang magpa-sexy kaya nang may inalok sa kanyang sexy movies noon ang Regal Films ay tinanggihan niya.
Ang bunsong si Alyssa ay grade VI na. Natutuwa ang magaling na aktor dahil lumaki ang kanyang mga anak na mababait at kailanman ay di nagbigay sa kanila ni Liezl ng sakit ng ulo.
"Mas pinili ni Liezl na maging plain housewife para mabigyan ng ganap na atensyon ang aming mga anak. Higit sa lahat, nasusubaybayan nito ang aming anak hanggang sa kanilang paglaki kaya walang problema," aniya.