Kaliwat kanan ang pagdi-deny nina Vandolph at Jenny, maging ang ina niyang si Alma Moreno ay mega deny din, konting tampuhan lang daw ay pinalaki na ng mga nagsulat.
Kundi kami nagkakamali ay factual ang pagkakasulat namin ng senaryo, base sa kwento mismo ng staff ni Ricky na siyang nakakita at sa katunayan ay hindi namin nasulat na naroon pala ang grupong Baywalk Bodies na siyang dahilan ng away. Sa ibang diyaryo namin nabanggit na naroon ang grupo dahil galing mismo sa kampo ni Vandolph na ang mga sexy star pala ang pinagselosan ni Jenny.
At sa S-Files last Sunday ay nakuha ang side ng Baywalk Bodies at iminuwestra nila ang nakita nilang away ng magkasintahan na talagang tinangkang lunurin ni Jenny ang sarili at inaawat daw siya ni Vandolph, pero hindi maawat at nagmumurahan na, kayat nairita raw ang actor kayat "o, hayan, sige" na tila inilubog din ang ulo ni Jenny.
Malinaw ang kwento ng Baywalk Bodies na may nangyaring lunuran na itinanggi naman ng kampo nina Vandolph at Jenny, wala raw ganun. Hindi namin personal na kilala ang mga sexy star kayat hindi namin sila isinama sa istorya namin na gusto naming ipaalam na galing mismo sa kampo nina Vandolph ang isyung selosan.
Hindi rin namin nasulat na pareho palang lasing o nakainom sina Vandolph at Jenny kundi sa bibig na mismo nila nanggaling. Sana lang, yung totoo rin ang ikuwento nila at huwag pagbintangan kaming mga nagsulat na mapaggawa ng kwento.
At kung hindi kami nagkakamali ay nasa top 10 ang aktres sa mga iniimbestigahang artista at si Sharon Cuneta ang nasa number one.
Say ng accountant ni Budaday, "Mapapahiya ang BIR dahil religiously, nagbabayad kami every year."
And speaking of Judy Ann ay abala siya ngayong kumuha ng visa sa mga bansang pupuntahan niya sa UK kung saan siya maglilibot sa buong buwan ng Mayo para raw makapag-unwind bago niya uli umpisahan ang bagong soap opera at pelikula na muli nilang pagsasamahan ni Piolo Pascual na ang kwento ng taga-ABS-CBN ay sa Spain ang shooting. Reggee Bonoan