Pati sa Mossimo Bikini Summit, may wild card entries na rin!
April 19, 2005 | 12:00am
Nagtataka ako kung bakit gumamit pa ng wild card entries ang Mossimo Bikini Summit (MBS) gayong kung tutuusin ay sobra-sobra ang mga contestants nito this year on both male and female divisions. Ang wild card ay yong proseso na kung saan ay ibinabalik at muling binibigyan ng pagkakataong muling makasali ang mga kalahok na una nang na-eliminate. Sa kaso ng MBS, ilang mga natalong kandidato nung mga taong 2003 at 2004 ay pinayagang sumaling muli sa 2005 na ang titulo ay kasalukuyang hawak nina Mario Grazzini at Thea Kriegl.
Pinakamagaganda na ang batch this year, lalo na sa mga babae. Walang itulak kabigin, lahat pwedeng manalo. Im very sure, mas mahihirapan ang mga hurado kina Kathleen Deen, Ericka Fontanilla, Lara Monterola, Rexcy Mino, Ashley Spencer, Jouella Khonghun, Denise Montecillo, Jane Tuazon, Abbey Rangasajo, Jeff Gaitan, Liz Camering, Tricia Intong, Khai Lim, Jasmine Maierhofer, Anna Rose Jebb at Mariam Corral.
Ang mga lalaki naman ay sina Eeinar Ingebrigtsen, Joseph Salomon, Mico Areglado, Carlos Concepcion, Eri Neeman, Kevin Haaland, Ramon del Prado, Brian Canilao, Benj Capay, Martin Jickain, Paul Tumulak, Harley Ng, Joshua Ylaya, Donald Tan, Handrew Maxilom at Kerwin Yap.
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi sa Boracay gaganapin ang MBS na sa nakalipas na tatlong taon ay dun ito ginaganap kundi sa Araneta Coliseum. Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga taga-Maynila na mapanood ito.
Bukod sa nakaka-excite na pageant proper na kung saan ay rarampa ang mga kandidato na suot ang kanilang Mossimo swimwear, na dinisenyo ni Ricky Vicencio ng Young Designers Guild, at Arena swimwear, may damit din na irarampa ang 32 kandidato na dinisenyo nina Mel Vergel de Dios, Ivarluski Aseron at Joey Samson. Over all supervision ito ni Noel Manapat.
Sina Bianca Araneta at Ryan Ågoncillo ang host ng MBS 2005 Finals Night na gaganapin sa Abril 30, 8:00 NG sa direksyon nina Calvin Neria at Duds Santiago ng Cast & Crew, producer at organizer ng MBS. To provide entertainment are Ella Mai Saison, Kitchie Nadal, Jett Pangan, Jimmy Bondoc, Pido, Rebekah, DJ Mike ng Akafella, isang runner-up ng MBS 04, Sun Valley Crew, Velcro, Frenchie Dy at Rachelle Ann Go.
Available na ang tiket sa SM Ticketnet outlets o sa Araneta Coliseum Boxoffice (911-5555) o sa Cast & Crew (910-0158).
Maganda yung initial telecast ng Showbiz Stripped nina Ricky Lo at Melanie Marquez sa GMA7 nung Sabado ng gabi. Muli, nadagdagan ang paghanga ko sa aking idolong si Susan Roces sa mga walang takot niyang pahayag sa kung ano ang tunay niyang nararamdaman hinggil sa pagkatalo nila sa nakaraang eleksyon. Katulad din ng dasal ko bago sumabak sa pulitika si FPJ, sana rin ay hindi siya mahikayat na pumalaot sa magulo at maruming mundo na ito na hindi tulad ng sinasabi ng marami na katulad daw ng local showbiz, dahil ang korapsyon sa pulitika ay walang katulad.
Natuwa ako ng husto sa mga anekdota ng mga kaibigan ni Mother Lily Monteverde tungkol sa kanya lalo na yung kwento ni Direk Maryo J, nang dalawin nila ito sa ospital at sila ang nagmukhang may sakit kaysa rito at ang kwento ni Manay Lolit Solis sa paulit-ulit na panghihiram ng panggasolina sa kanya ng sinasabi ng lahat na isang mayamang negosyante.
Wala namang nakakakilala kay Mother Lily na hindi nagkaron ng eksperiensya sa kanya. Ako rin mayron di ba, Mother"? Remember, Rebecca?
Maganda ang kumbinasyon nina Ricky at Melanie. Opposite din ang personalidad nila.
Pinakamagaganda na ang batch this year, lalo na sa mga babae. Walang itulak kabigin, lahat pwedeng manalo. Im very sure, mas mahihirapan ang mga hurado kina Kathleen Deen, Ericka Fontanilla, Lara Monterola, Rexcy Mino, Ashley Spencer, Jouella Khonghun, Denise Montecillo, Jane Tuazon, Abbey Rangasajo, Jeff Gaitan, Liz Camering, Tricia Intong, Khai Lim, Jasmine Maierhofer, Anna Rose Jebb at Mariam Corral.
Ang mga lalaki naman ay sina Eeinar Ingebrigtsen, Joseph Salomon, Mico Areglado, Carlos Concepcion, Eri Neeman, Kevin Haaland, Ramon del Prado, Brian Canilao, Benj Capay, Martin Jickain, Paul Tumulak, Harley Ng, Joshua Ylaya, Donald Tan, Handrew Maxilom at Kerwin Yap.
Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi sa Boracay gaganapin ang MBS na sa nakalipas na tatlong taon ay dun ito ginaganap kundi sa Araneta Coliseum. Ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga taga-Maynila na mapanood ito.
Bukod sa nakaka-excite na pageant proper na kung saan ay rarampa ang mga kandidato na suot ang kanilang Mossimo swimwear, na dinisenyo ni Ricky Vicencio ng Young Designers Guild, at Arena swimwear, may damit din na irarampa ang 32 kandidato na dinisenyo nina Mel Vergel de Dios, Ivarluski Aseron at Joey Samson. Over all supervision ito ni Noel Manapat.
Sina Bianca Araneta at Ryan Ågoncillo ang host ng MBS 2005 Finals Night na gaganapin sa Abril 30, 8:00 NG sa direksyon nina Calvin Neria at Duds Santiago ng Cast & Crew, producer at organizer ng MBS. To provide entertainment are Ella Mai Saison, Kitchie Nadal, Jett Pangan, Jimmy Bondoc, Pido, Rebekah, DJ Mike ng Akafella, isang runner-up ng MBS 04, Sun Valley Crew, Velcro, Frenchie Dy at Rachelle Ann Go.
Available na ang tiket sa SM Ticketnet outlets o sa Araneta Coliseum Boxoffice (911-5555) o sa Cast & Crew (910-0158).
Natuwa ako ng husto sa mga anekdota ng mga kaibigan ni Mother Lily Monteverde tungkol sa kanya lalo na yung kwento ni Direk Maryo J, nang dalawin nila ito sa ospital at sila ang nagmukhang may sakit kaysa rito at ang kwento ni Manay Lolit Solis sa paulit-ulit na panghihiram ng panggasolina sa kanya ng sinasabi ng lahat na isang mayamang negosyante.
Wala namang nakakakilala kay Mother Lily na hindi nagkaron ng eksperiensya sa kanya. Ako rin mayron di ba, Mother"? Remember, Rebecca?
Maganda ang kumbinasyon nina Ricky at Melanie. Opposite din ang personalidad nila.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended