Pati tuhod ipinaretoke

Hindi lang pala ilong ang ipinaretoke ng sikat na aktres na ito na magaling ding kumanta. Pati tuhod nito ay ipinaretoke rin niya dahil parang tabingi ito noon.

Noon ay lagi itong naka-pants o maong para hindi makita ang itsura ng tuhod. Ngayon ay pwede na siyang magsuot ng shorts o bathing suit dahil sexy na ang katawan niya. Matagal na ang nasabing operasyon sa tuhod pero ayaw talagang umamin ng singer/actress.

Isa ring sikat na celebrity ang kanyang asawa na pumasok din sa pulitika.
Feeling Matanda Na
Sa presscon ng Maxi-Peel’s UR A Star ay ipinakilala ang mga bagong endorser ng Maxi-Feel na sina Mike Tan at Ryza Cenon ng GMA 7 at Aaron Villena ng ABS-CBN. Wala doon si Jennylyn Mercado at Erich Gonzales na abala sa taping ng soap opera. Sa Maxi-Peel, nakilala nang husto ang kagandaan ni Kristine Hermosa.

Ito’y pagpapatunay lang na walang imposible na mapagsama-sama ang mga kabataang artista kahit nasa magkalabang network ang mga ito.

Sey ni Kristine: "Feeling ko matanda na ako dahil kasama ko ang mga kabataang ito. Nakakatuwa nga sila lalo na kapag pinakikinggan ko ang kanilang kwentuhan. Parang naalala ko tuloy ang aking kabataan."

Sinabi ni Mr. Banggis, (Maxi-Feel representative) na hindi naman sila nahirapan na pagsamahin ang lahat ng endorsers dahil sa kabila ng pagkakaroon ng conflict sa kanilang schedule sa taping o iba pang showbiz commitment ay naging very cooperative naman sila.
Leading Man Ni Shaina
Gumagawa na ng pangalan ang bagets na si Raphael Martinez ng Star Circle Quest Batch 1 finalist dahil hindi lang ito sa telebisyon napapanood kundi gayundin sa pelikulang Can This Be Love na ipalalabas sa Abril 27. Regular ito sa SCQ Reload at ASAP Fanatic.

Excited na ang guwapong binatilyo dahil isa ito sa napili para maging leading man ni Shaina Magdayao sa teleseryeng Ikaw Ang Lahat Sa Akin na tatampukan nina Claudine Barretto at Diether Ocampo.
Direktor At Scriptwriter
Hindi lang maganda at puno ng suspense ang bagong pelikula ng Star Cinema na Nasaan Ka Man kundi first time na direktor nila at scriptwriter si Cholo Laurel. Graduate ito ng Mass Communications sa UP at nag-aral din ng basic and advance filmmaking sa New York University’s continuing education program at nakagawa na rin ng advertisements sa loob ng 15 years.

Una niyang inalok ang Viva Films ng story concept niya pero di natuloy hanggang inoperan siya ng Star Cinema na magdirek ng pelikula kung saan makakasama pa ang batikang scriptwriter na si Ricky Lee.
Humiga At Tinakpan Sa Kabaong
Ang galing-galing talaga ni Lester Llansang nang mapanood namin sa Magpakailanman last Thursday bilang kapatid ni Rochelle Pangilinan na nag-suicide. Hindi nito kailangang maging OA sa mga eksena at kita na agad sa mga mata kung paano ilarawan ng buong husay ang karakter.

Propesyonal din ang aktor dahil pumayag na humiga sa kabaong at tinakpan pa ito nilagyan lang ng uwang para makahinga.

Pumayag din itong ihulog ang kabaong six feet under the ground. Malaking tulong ang magagawa ng manager na si Becky Aguila para magbalik-sigla ang career ni Lester dahil may talento ito sa pagganap.

Show comments