Sina Marvin Agustin, Vanessa del Bianca, Archie Alemanya, Bianco Gonzales at JC Cuadrado ang host ng Stardance na napapanood tuwing Sabado, 6:00NG. Kasama nila sa show ang mga batikang mananayaw sa Pilipinas ang Powerdance, Hotlegs, Manouvres, Streetboys at si Douglas Nierris.
Ang siyam na finalist ng Stardance.
1.) Reina Victoria, isang balikbayan from San Francisco, California. Parehong Pinoy ang mga magulang niya na may trabaho sa US bilang nurse at technician. Nineteen years old siya, panganay sa tatlong magkakapatid. Naniniwala siyang ang malaking lamang niya sa walo niyang kalaban ay ang kanyang training sa ballet at gymnastics. Marunong din siyang mag-top dance.
2) Jhoey Zulueta, taga-Tagum, Davao, kinakailangan pa siyang bigyan ng pamasahe (mga apat na libo ng kapitbahay) para siya makapunta ng Maynila at ma_kapag-audition sa Stardance. "Pwede rin akong bigyan ng pera ng nanay ko pero kasi madalian ang pangangailangan ko, kinabukasan agad, kaya medyo nagkaproblema," ani Jhoey na isang estduyante ng nursing sa Davao sa edad na 20. Ipinagmalaki nito na kilala siya sa Davao dahil may dance group siya, ang Power Mix, at ang mga kino-choreograph niyang mga grupo at solo dancers ay nananalong lahat.
3) Froilan Dabalus. Raw at halos walang training sa pagsasayaw ang 18 taong gulang na taga-Lucena City maliban sa pagiging myembro ng isang folkdance group nung nasa college siya. Pero, dahil passion niya ang pagsasayaw kung kaya nakuha siyang mag-improvise. Inamin niya na na-excite siya dahil "First time kong mag-join sa isang dance contest at first time ko ring tumuntong ng ABS- CBN," anang first year nursing student.
4) Daniel Cabrera, maraming talento ang 23 taong gulang na finalist. Bukod sa pagsayaw, marunong din siyang umarte, kumanta, magdirek having had stints with Repertory and Trumpets, mga stage companies. Sa marami niyang talents, feel niya na pinakailangan siya sa dancing. Wala nang pag-aaral na makakasagabal sa gusto niyang gawin dahil nakatapos na siya ng kursong Marketing Management sa PSBA.
5) Christian Adrales. Mga kaibigan ang pinakamalaking impluwensya sa kanyang pagsasayaw. Pero, di siya nakuntento sa pakikipag-barkada sa mga kaibigan niyang dancer. Nang lumaon ay co-dancer na nila siya sa grupo. Only boy si Christian sa anim na magkakapatid na ang isa ay sumasayaw din sa school. Nasa ikatlong taon na ito sa kursong BS Psycho.
6) Ryan Sabaybay. Nineteen years old at isa sa mga dancer ni Mayor Vilma Santos sa Lipa, Batangas na kung saan ay myembro siya ng Lipa Integrated Performing Arts at University of Batangas Dance Co.
7) Bambie Candelaria, 19 na taon at tipong artista. Mahigit 10 taon siya nag-train sa ballet. Nasa ikatlong taon siya sa kursong Production Design sa St. Benilde na kung saan ay isa siyang scholar dahilan sa kanyang pagsasayaw. Scholar din siya nung high school sa St. Scho pero ito ay dahilan sa kanyang scholastic standing. Jazz ang forte niya.
8) Leah Desamparado, pinakabata sa siyam sa gulang na 15 at pinaka-mataas sa tatlong babaeng finalists. Ang tanging influence niya sa dancing ay ang madalas na panonood sa mga dancers na nagti-train sa kanilang promotions agency. Kapag nanalo siya ay ipagpapatayo niya ng grocery ang kanyang ina para may masandalan sila kapag malugi ang agency nila.
9) DJ de Guzman, 22 years old at marami ring talento gaya ng pag-arte (nakalabas na sa maraming programa ng ABS- CBN), pagiging announcer (Magic 89.9, nag-quit dahil sa pag-aaral niya) at pagsasayaw (regular siya sa Keep on Dancing hosted by Charlene Gonzales at naging member ng Manouvres). Lupa ang una niyang bibilhin kapag nanalo siya ng isang milyon at pagkatapos, ay patatayuan niya ito ng bahay.
Nong time she guested on Boys show, ganda niya? Di lang ang buhok niya ang inasikasong i-hairstyle pati fez niya well made up at parang intentional yung pagpapakita niya ng cleavage to show the viewers what a nice pair of boobs can do to enhance a womans look and personality.
Worthwhile panoorin ang mga programa ni Boy, mula Conversations hanggang Kontrobersyal hanggang Home Boy. Marami akong napupulot na info.