^

PSN Showbiz

Juday/Ryan ayaw umamin

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Ngayong gabi na ang finale ng Krystala. Matapos ang halos isang taon, matagumpay na magtatapos ang superserye ni Judy Ann Santos. Tiyak na hinding-hindi makakalimutan ni Juday ang serye. Maraming magandang naidulot sa kanya ang fantaserye.

Una, lalo siyang napalapit sa mga batang fans niya. Malaking bahagi ng audience ng Krystala ay mga bagets.

Pangalawa, isang magandang friendship ang nabuo sa pagitan nila ni Ryan Agoncillo. Maingay na maingay na ngayon na romance is brewing between the two. Pero siyempre, walang pormal na pag-amin mula sa kanilang dalawa.

Tiyak na hindi malilimutan ni Juday ang Krystala.

Speaking of Krystala, marami ang nagtatanong kung magiging happy ending ba ito sa pagitan nina Tala (Juday) at Miguel (Ryan). Wish ng fans na sila ang magkatuluyan sa ending. Pero ang tanong, iga-grant kaya ng management ang wish na ito ng fans?

Ang narinig ko, isang malaking eksena ang mapapanood kung saan ikakasal sina Juday at Ryan. Pero ang tanong, matutuloy daw ba ito?

"Isang malaking surprise!" sabi lang ng executive producer ng show na si Joan del Rosario.
* * *
Pangungunahan ni Dolphy ang mahigit na 100 stars ng ABS-CBN sa isang grand pasasalamat weekend sa Cebu mula April 29 hanggang May 2. Magti-taping ang sitcom ng Comedy King, ang Quizon Avenue mula April 27 hanggang April 29. Agad itong susundan ng iba’t ibang pakulo na tinawag na Daghang Salamat, Cebu.

Sa April 30, magsisimulang magdatingan ang mga Kapamilya stars para sa isang motorcade around Cebu City papunta sa anim na malls shows kung saan sabay-sabay din ang mall shows.

Sa May 1, live na mapapanood ang buong ASAP ’05 barkada sa Ayala Center-Cebu samantalang nasa isang bonggang beach naman ang live telecast ng ASAP Fanatic at Wanna Buzz. Balik-Ayala Center ang Kapamilya caravan para sa live telecast ng Search For The Star In A Million.
* * *
Kinabukasan, Lunes, ang M.R.S. naman ang live na mapapanood sa isang beach resort. Kumpleto ang tropa ng MRS na nasa Cebu — sina Roderick Paulate, Amy Perez, Toni Gonzaga, Marvin Agustin at Nikki Gil.
* * *
Exciting na naman ang episode ng Kaya Mo Ba To? bukas ng hapon. Kakayanin ni Angelu de Leon na palitan ang mga bombilya sa tuktok ng Rizal Coliseum. Kakaibang motocross race naman ang susubukan nina Dominic Ochoa, LJ Moreno at Jao Mapa. At ang nakakaloka, mag-uunahan sina Giselle Sanchez, Joy Viado at Inday Garutay na ubusin ang dogfood. 

AMY PEREZ

AYALA CENTER-CEBU

BALIK-AYALA CENTER

CEBU

CENTER

ISANG

JUDAY

KRYSTALA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with