^

PSN Showbiz

'Wala nang balikan sa amin ni Monching' – Lotlot

-
Nagsalita na nang patapos si Lotlot de Leon na wala nang pag-asa pang magkabalikan sila ng asawa niyang si Monching Gutierrez pagkatapos ng apat na taong paghihiwalay.

"Mas mabuti nang ganito kami, hiwalay pero magkaibigan," ani Lotlot. "Nagkikita at nag-uusap din kami paminsan-minsan dahil sa mga anak namin. Siyempre, hindi maiiwasan yun dahil sa may obligasyon kami pareho tungkol sa future ng mga bata, di ba?"

Ayaw magsalita ni Lotlot tungkol sa biyenan niyang si Pilita Corrales. Hahayaan na lang daw niyang ito ang magsalita sa press tungkol sa kanya, pangit man o maganda ang sabihin nito.

Tungkol sa tsismis na may bago na siyang boyfriend na isang pulitikong galing sa angkan ng mga Recto, nagtataka siya kung paano nag-umpisang karelasyon niya na ito.

"Nagtaka nga ako sa nabasa kong nakita raw akong nagdidilig ng halaman sa bahay ng taong ito sa Batangas. Paano at kailan nangyari yon? Well, nag-taping kami sa bahay niya ng isang episode ng Spirits kung saan ay mainstay ako, pero maski sa eksena ay hindi ako nagdilig ng halaman!" salaysay ni Lotlot. Dennis Adobas

AYAW

BATANGAS

DENNIS ADOBAS

HAHAYAAN

LOTLOT

MONCHING GUTIERREZ

NAGKIKITA

NAGSALITA

NAGTAKA

PILITA CORRALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with