Relasyon nina Karylle, Dingdong, nagkaroon na ng linaw

Pwede nang magdiwang ang mga tagasubaybay at fans ng tambalang Dingdong Dantes at Karylle. Ayon sa isang source ay mukhang lumabo ang relasyon ni Dingdong sa kanyang girlfriend na si Antoinette Taus. Nung huling kaarawan ni Karylle ay naging kapansin-pansin ang lubhang pagiging mas close nila ng actor. At kung ito ang pagbabatayan, mukhang hindi na magtatagal at makakarinig na ang mga maka-Karylle/Dingdong ng magandang balita tungkol sa dalawa.
* * *
Birthday ngayon ni Lani Mercado at ewan ko lang kung natuloy yung plano ng kanyang asawang si Senador Bong Revilla na i-serenade ito. Anyway congratulations at best wishes kay Lani. Sure ako best birthday niya ito, di ba Lani?
* * *
Si Paolo Bediones, may sex video rin daw?! Totoo man ito o hindi, bagaman at mas naniniwala ako na peke rin ito, alam ko na ituturing ito ng TV host as one of those things na hindi maganda sa kanyang trabaho. At hindi siya paaapekto rito. Tutal, sampu sampera na ang mga sex videos. Gawain ito ng mga taong walang magawa at gusto lamang kumita kahit sa masamang paraan. Nagtaka nga ako kung bakit iniyakan ito ni Piolo Pascual gayong wala namang maniniwala na ilalagay niya ang sarili niya sa ganung kahihiyan. Sabi nga proven and tested na siya at kilalang disente. Wala talagang dahilan para masira ang pagkatao niya ng ganun karuming bagay.

Going back to Paolo, sure ako na hindi rin lamang niya ito papansinin dahil oo nga, magiging interesado ang mga tao na mapanood ito pero, hanggang dun na lamang ang magiging interes nila, pagkatapos nito, wala na lang. Paolo will not be careless enough to jeopardize his career and his many product endorsements, di ba Paolo?
* * *
Pormal nang inanunsyo ang wedding nina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa 2006. About time na dahil nasa edad na naman sila. At ba’t kailangan pang mag-ampon kung pwede naman silang magkaro’n ng sarili nilang mga anak?

Nevertheless, ang ampon nilang si Sabina ang magiging flower girl sa kanilang gaganaping garden wedding at kung sa formal announcement ng kanilang wedding ay nakapag-invite sila ng 300 guests, sa kasal mas marami pa rito ang maiimbita. Ang maganda, sabi ni Claudine welcome sa wedding ang kapatid niyang si Gretchen Barretto at sana totoong imbitahan nila ito at padalhan ng imbitasyon at di yung sa TV lamang.

Para tuluyan nang maging smooth ang magiging buhay nila pagkatapos ng kasal.

Nakita n’yo ba yung more than 4k na engagement ring ni Claudine? Di ba ang ganda? I’m sure maraming babae ang mananaghili sa maganda niyang kapalaran.
* * *
Malaki ang posibilidad na sumikat si Monina Zobel, ang 18 taon lamang na hinirang na 3rd runner up at nagkamit ng best talent and best in long gown noong nakaraang Miss Tropical Philippines 2004. Siya ang first winner ng ETK’s (Entertainment Trabaho Konek) ng ABS-CBN 2 tuwing Sabado ng hapon. At nabigyan ng mahalagang papel sa Nginiig with Mark Anthony Fernandez. Si Monina Zobel ay ipinakikilala sa pelikulang La Visa Loca ng Unitel Productions na pinagbibidahan ni Robin Padilla.

Samantalang si Martha Daniels na isa sa bida ng pelikulang Saplot noong nakaraang taon ay nabigyan din ng mahalagang papel sa La Visa Loca kasama sina Rufa Mae Quinto, Eddie Gutierrez, Marissa Sanchez at marami pang iba. Naging Ms. City College of Manila 2003 si Martha Daniels at graduate sa nasabing iskwelahan ng kursong Mass Communication. Hinirang na FHM Girl Next Door last year si Martha at sa pagkakataong yun, nadiskubre siya ni Richard Hiñola (ang star builder nina Angela Velez, Stella L (Naked Nights), Pamela Ortiz (Ang Gusto Ko Sa Lalaki), Monina Perez (Virgin People 3), Keanna Reeves (Shut up I-memorize Mo Yan), Karina Zobel (Karelasyon), Kriselda Kristel (Saplot) at Hanni Miller (Puri).

Sina Monina Zobel at Martha Daniels ay mina-manage ng RDH Entertainment Network.

Show comments