May sariling mundo ang young actor

Nanghihinayang kami sa talento ng sikat na young actor na ito dahil matapos makakuha ng acting award sa murang edad ay nanamlay ang career. Pero ngayon ay may bago ng manager na nagtsa-challenge para ibahin ang kanyang personalidad.

Tipong may sariling mundo ang aktor-kimi pa rin dala marahil ng pinagmulan niyang pamilya-broken family at pagi-split nila ng girlfriend na matamlay din ang career. Mas gusto pa nitong mapag-isa kaysa makasama sa bahay ang ilang alaga ng manager.

Balita kasing nagdroga ito noon dahil sa problema kaya hindi siya palakaibigan sa mundong ginagalawan. Mas kilala ang young actor na ito nung bata pa. Pero nang nagbinata ay nawala sa eksena.
Anne Curtis, Nakabili Ng Lupa
Naikwento sa akin ni Nicole Castillo, marketing manager ng Solar-UIP na nakabili ng lupa na pagtatayuan ng bahay ang kaibigan nitong si Anne Curtis na nagkakahalaga ng P8M na nanggaling mula sa kanyang kinita sa showbiz.

Malawak ang hinuhulugan niyang lupa at P2M na lang ang balanse ng young actress. Inspirado si Anne sa pagtatrabaho dahil nakikita nito ang lahat ng pinagpaguran sa buhay.

Marami itong tagahanga sa Amerika. Paborito siya nina Bong at Juliet Iglesia na regular viewer ng Hiram sa Channel 2 bukod pa sa kanyang segment sa The Buzz titled Wanna Buzz.
Scholar Ng US Exchange Program
Isang buwang mawawala ang magaling na journalist na si Jay Taruc ng I Witness kung saan pupunta ito ng Washington D.C. bilang bahagi ng US International Visitors Program. Ito ay para ma-expose ang mga journalist sa American culture. Aalis si Jay sa Abril 21.

Mahilig siya sa environmental story. Rason nito ay para magkaroon ng awareness ang mga tao tungkol sa pangangalaga sa ating kalikasan. Nais nitong mamulat sila at bantayan ang pagpuputol ng mga kahoy para maiwasan ang trahedya gaya nang nangyari sa Infanta, Quezon.

Nagtapos ng Masscom sa CEU si Jay noong 1993 at panganay na anak ng pamosong si Joe Taruc. Bago napunta ng GMA ay naging researcher ito ng pitong buwan ng yumaong si Louie Beltran sa Channel 9.

Pangarap nitong maging isang magaling na direktor at paborito nito si Steven Spielberg.
Maghahasik Ng Lagim
Maraming taon ang nakakaraan, ang orihinal na Ringu ni Direk Hideo Nakata ay nagpakilala sa horror movies ng Japan na mas pinahahalagahan ang istorya at karakter kaysa sa special effects o gore. Dahil sa phenomenal success nito sa Asya at sa ibang panig ng mundo, nagprodyus ang Hollywood ng sariling version, ang The Ring, na pinilahan din ng husto sa takilya. Ngayon, humanda sa mas matinding paghahasik ng lagim at nakakabinging pagsigaw sa pinakahihintay na sequel, ang Samara (The Ring Two).

Si Kelly Stables, ang aktres na isa sa mga double ni Samara sa The Ring ay nagbabalik bilang Evil Samara sa sequel. Bagama’t takot manood ng horror movies, si Kelly ay naghanda para sa papel sa pamamagitan ng paulit-ulit na panonood ng Ringu at The Ring para makuha ang kakaibang kilos ni Samara. Release ng United International Pictures ang Samara sa pamamagitang ng Solar Entertainment Corporation.

Show comments