Sabagay, mas bagay kay Zsazsa ang pelikula dahil kung inyong natatandaan, siya ang nag-dialogue ng "Ako, legal wife" sa confrontation nila ni Lorna Tolentino sa Mano Po 3. Isa ang eksenang yun sa pinalakpakan ng moviegoers at isa sa mga highlight scene ni Zsazsa.
Pero, habang hindi pa nagsisimula ang shooting, hindi pa tiyak kung sila na nga ang final cast. Alam nyo naman si Mother Lily, walang tigil ang paggana ng idea at pag alam na mas makakaganda sa pelikulay biglang pinapalitan ang cast at istorya.
Binalak ng producer na sina Karylle at Dingdong Dantes na ang magbida sa pelikulat kumita ang Bahay Ni Lola 2 at gusto pa ngang isama sa cast si Zsazsa Padilla. Pero, nagbago na naman ang isip nitot si Angelica Panganiban na naman ang gustong bidat pinahahanapan nang babagay na ka-love team.
Nalungkot sina LJ at Mike sa nakawalang chance na makasama si Maricel pero, umaasa pa rin ang dalawa na makatrabaho ang actress in the future. Kahit nakawala ang Regal project, may aabangan pa rin ang Mike-LJ fans dahil malapit nang simulan ang shooting ng Lovestruck, ang GMA Films movie na sama-sama ang Final 4 ng batch 1 and 2 ng StarStruck with Louie Ignacio directing.
Incidentally, kahit nasa Amerikay updated pa rin ang mommy ni LJ Reyes sa career ng anak. Ipino-post nito sa thread ni LJ sa Pex ang schedule appearances ng anak, kaya, alam ng fans kung saan ito aabangan. Natawa nga si LJ nang iparating naming nababasa ang post messages ng mommy niya at mabuti pa raw ang inat may time mag-post. Siya raw ay binabalitaan na lang kung ano ang nangyayari sa kanyang thread. Pinasasalamatan nito ang kanyang fans na walang pagod sa pagdedepensa sa mga nagsasabing pampasira lang siya sa career ni Mike. Abangan pala ang dalawa sa Maynila sa Sabadot sila ang tampok na loveteam kasama si Sheena Halili. Tungkol sa love at friendship ang tema ng episode.
Sana pala, hindi magalit sa amin sina Mack 36 at Yohei (knows ni LJ ang name mo) dahil sinabi namin dito na love nyo siya. Natuwa rin ito sa ibinalita naming malaking hirap ang ginagawa ni Sweet Lavender na ipino-post ang day-to-day episode ng Now and Forever sa kanyang thread. Para ka na ring nanood ng series dahil pati dialogue ay nakukuha, katuwa!
Pasasalamat naman kay Princess Jodie for posting my article here in PSN at sa iba naming sinusulatan sa Pex.