Tanda namin nung makausap namin si Zsazsa sa opening ng bagong Belo Medical Clinic sa Westgate, ay sinabi ni Zsazsa na mas mauuna muna silang mag-guest ng kanyang anak na si Karylle sa MRS bago sa Sis, dahil nga taga-GMA 7 si Karylle.
Kaso, baligtad ang nangyari dahil sa April 21, live episode ng Sis naka-schedule mag-guest ang mag-ina at saka palang didiretso ng taping ng MRS on the very same day.
At dinig din namin sa taga-Dos, type nang lumipat ni Zsazsa sa Siyete dahil gusto niyang makasama ang anak sa SOP.
Ayon daw kay Ness ay hindi totoong itinulak at inilublob ni Vandolph ang girlfriend kundi inaawat daw dahil nga nagwawala ito sa swimming pool. Wala rin daw katotohanang hindi niya pinansin ang pakiusap ng staff ng programa na awatin sina Vandolph at Jenny kundi pinalipas muna niya ang init ng ulo ng mga ito dahil nga maraming tao sa paligid.
"Pinagalitan ni Alma ang dalawa, pinagsabihan na kung may away sila ay daanin sa usapan dahil nga nakakahiya sa mga taong naroon dahil nga taping yun at baka iba ang istoryang makarating sa Maynila, which is true, naiba na ang version," kwento sa amin ng taong malapit kay Alma.
Dagdag pa na okey na uli sila Vandolph at Jenny at sa katunayan ay super sweet na raw uli ang dalawa na parang walang nangyari.
Ayon naman sa staff ng programa ni Mother Ricky ay nagselos daw si Jenny sa isa sa miyembro ng Baywalk Bodies na kasama rin pala sa taping. Reggee Bonoan