^

PSN Showbiz

Manila Film Festival, binuwag na!

RATED A - Aster Amoyo -
Nagtanong kami kung sino na ang kapalit ni Melissa Ricks bilang katambal ni Jericho Rosales sa Ang Panday, pero ang sagot sa amin, wala pa raw kapalit si Melissa. Kaya tanong nga namin, paano matatapos ang fantaserye ng ABS-CBN kung hanggang sa ngayon, hindi pa sila nakakakuha ng kapalit nito.

May nag-suggest tuloy sa amin na bakit daw hindi na lamang si Kristine Hermosa ang gawing katambal ni Echo, tiyak daw na magugustuhan pa ito ng mga fans ng dating magka-loveteam. Pero sabi nga namin, papayagan ba naman ni Diether Ocampo ang girlfriend niya (or wife na?) na makipag-kissing scene at makipag-bed scene sa dating boyfriend nito? Iyon daw ang suggestion niya dahil wala raw namang ginagawa ngayon si Kristine, samantalang si Diet ay ibabalik ang dating love- team nila sa teleserye ni Claudine Barretto, sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.
* * *
Nalaman namin kay Manay Lolit Solis na sa April 18 pa ang balik ni Lani Mercado mula sa States. Naiwanan siya roon ni Sen. Bong Revilla para samahan pa niyang maka-settle down ang anak na si Jolo Revilla sa nakuha nilang bahay, na doon na muna titira habang tinatapos nito ang pag-aaral.

Tamang-tama raw ang pagbalik ni Lani sa pagsisimula naman ng taping nito ng Sugo, ang bagong teledrama na gagawin nito sa GMA-7.
* * *
Wala na palang Manila Film Festival sa June, 2005, kaya ang movie ni Robin Padilla ang La Visa Loca na co-produced ni Sharon Cuneta with Unitel Pictures ni Tony Gloria ay ipalalabas na next month.

Kasalukuyang nasa Australia pa si Robin, pero babalik daw siya para sa presscon at promotion ng movie na katambal niya si Rufa Mae Quinto. May nagtatanong din kung nasaan si Kurt Perez, ang Ultimate Survivor ng StarStruck Kids dahil kasama pala siya sa movie. Sabi namin, nasa Australia na rin si Kurt na kung hindi kami nagkakamali ay nag-migrate na at nag-aaral na roon. Biro nga namin, baka gustong isama ni Robin pabalik ng bansa since pareho pala silang nandun ngayon.
* * *
Ngayong gabi na, ang simula ng bagong Koreanovela ng GMA-7, ang All About Eve na tampok sina Nicole (Chae Rim) na napanood na rin sa Four Sisters, Erika (Kim So-Yun) at Warren (Han Jae Suk) na pareho silang napapanood ngayon sa afternoon Koreanovela sa GMA-7, ang Glass Shoes, at si Kenneth (Jan Dong Gun). Isa raw ito sa top drama series na sikat hindi lamang sa Korea kundi sa ilang parts of the US din.

Sa Channel 2 naman, back-to-back na mapapanood ang dalawa ring Koreanovela, ang Memories of Bali at Stained Glass pagkatapos ng Spirits. Nagtataka lamang kami kung may mawawala sa mga shows sa primetime slot nila para ma-accommodate ang isa pang telenovela dahil pagkatapos ng TV Patrol World, ang mga shows nila ay Kamao, Spirits, Krystala na final week na ngayon, Hiram. Isa lamang kasing show nila ang natapos last Friday, ang Save The Last Dance For Me.
* * *
May showdown of shows nga ba ang GMA-7 at ABS-CBN sa Cebu City on May 1? Balita kasing doon gagawin ang SOP at SOP Gigsters ng GMA-7 at ang ABS-CBN naman ay doon din gagawin ang ASAP Mania, ASAP Mania Fanatics at pati ang kanilang Search For A Star In A Million.

Hindi pa namin alam kung saan ang venue nila, pero tiyak na mahihirapan ang mga fans nito kapag nagkataon dahil mamimili sila kung alin sa dalawang shows ang panonoorin. 

ALL ABOUT EVE

ANG PANDAY

BONG REVILLA

CEBU CITY

CENTER

CHAE RIM

CLAUDINE BARRETTO

KOREANOVELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with