Maricel, bida sa bagong Mano Po!

Tila nagbago ng isip si Mother Lily with regards to Mano Po series. Unang nabalitang ititigil na niya ang pagpoprodyus ng pelikula tungkol sa buhay ng mga Tsinoy at ipinapasok niya tuwing Metro Manila Film Festival. Ang sabi pa’y last na ang MP 3 na pinagtambalan nina Vilma Santos at Christopher de Leon last year at ibang project naman ang isasali ng producer sa 2005 MMFF.

Pero, ang latest naming narinig, tuloy pa rin ang MP series at pang-MMFF pa rin ito. Si Maricel Soriano raw ang napili ni Mother Lily na magbida sa MP 4 at pinipili na nito ang makakasama ng actress sa cast. Kahit magiging busy sa taping ng Vietnam Rose, naniniwala ang lady producer na magagawa pa rin ni Maricel ang pelikula.

Wala pang idea ang nagbalita sa amin kung ano ang istorya ng MP 4 basta, kasing-ganda ito sa mga naunang MP series, sakaling matuloy. Ang MP 4 daw ang dahilan kung bakit inalis ang actress sa cast ng isa pang project na sa Regal na naisip ni Mother Lily. Pero, tuloy pa rin ang Ako, Legal Wife na kundi pa nagbabago ang cast, makakasama niya sina Rica Peralejo at Jay Manalo at ididirek ito ni Joel Lamangan.
* * *
Na-interview ni Butch Francisco para sa Startalk si Nori Sayo, ang manager ni Nora Aunor. Ini-assure nito ang mga Noranians na maayos ang lagay ng superstar at dadalo ito sa first hearing ng kanyang kaso sa April 21. Ayon pa kay Nori, hindi niya kinakikitaan ng depression ang superstar at makwento pa rin ito. Nangako rin si Nori na sa tamang panahon, ipapakausap niya si Guy sa loyal fans nito.

Ibinalita pa ni Nori na pinaghahandaan ni Guy ang series of shows na gagawin nila ni Tirso Cruz III sa pamamagitan ng pagi-exercise at aerobics. Sa April 28 aalis ng Pilipinas si Pip para sa April 28 show nila na magsisimula sa Reno. Ang susunod na show ay sa May 6 sa Los Angeles at May 7 sa Las Vegas.

Nilinaw din ni Nori na pera ni Nora at hindi bigay ng kung sino ang ipinang-bail nito, gaya ng mga nabalita. Siya ang nagbayad pero, galing sa bank account ng superstar at galing naman ‘yun sa kinikita nito sa mga show na ginawa habang nasa Amerika.
* * *
Isa kami sa tinext ni Rita Avila para ibalitang buntis na siya sa first baby nila ng husband niyang si Erik Reyes. Nang mag-text si Rita’y, nine months pregnant na siya at ang last daw niyang hiningan ng tulong para magka-baby na sila ng asawa’y si Sto. Niño.

Hindi na namin natanong si Rita kung ano ang gusto nilang maging baby ni Direk Erik dahil minsan na niyang nasabi na type niya sanang girl ang first baby nila pero, tatanggapin din nila ng maluwag sa loob kahit lalake. Ang importante raw ay magka-baby na sila’t matagal na nilang hinintay ang dagdag sa kanilang pamilya.
* * *
Magsisimula ngayong Lunes sa GMA 7 ang Korean novela na All About Eve kapalit ng Stairway To Heaven. Tiniyak ng Ch. 7 na magugustuhan at mamahalin din ng viewers ang bubuo ng cast ng K-novela gaya nina Kwon Sang-woo (Cholo) at Choi Ji woo (Jodi).

Hindi lang nasunod ang gusto ng fans na ang gamiting pangalan ng dalawang bidang babae ay Carmela (for Mel Tiangco) at Corinne (for Korina Sanchez) dahil ayaw ng intriga ng Ch. 7. Ang lakas ng tawa ni Joey Abacan nang iparating namin ang request ng fans na obviously, gustong sakyan ang conflict ng dalawang TV host/newscaster.

But on the other hand, may punto sila dahil tungkol sa rivalry ng dalawang TV host/newscaster iikot ang istorya nito. Nicole at Erika ang ginamit na pangalan ng mga bida.

Kino-consider na the best and most popular Korean TV drama for 2000 ang AAE. Aabot ito sa 23 episodes at malalaman natin kung sino kina Chae Rim (Nicole) at Kim So Yeon (Erika) ang mas magugustuhan at mamahalin ng viewers.
* * *
Kinastigo ng isang talent manager ang alagang member ng StarStruck 2 Avenger dahil ayaw makinig sa payo.

Okey lang sa manager kung manligaw at magka-girlfriend ang talent pero, ilagay sa lugar. Kapag walang trabaho, sa halip na mag-workshop, to improve his craft, nakatanghod ito sa nililigawan. As in, lagi itong nakasunod na ang ending, nagmumukha siyang ewan. Mabuti raw kung napupuyat ito dahil sa trabaho kaso, dahil sa pag-ibig.

Ilang linggo ring grounded ang bagets pero, kamakailan, muli namin siyang napanood sa TV. Ibig sabihin, lifted na ang pagkastigo sa kanya ng manager.

Tama ang sabi ng manager, madalang ang dating ng project sa alaga dahil hindi nanalo at ‘di man lang napasama sa Final 4 kaya, kung may offer na darating ay dapat galingan para masundan. Paano nga naman ito makakapag-trabaho ng maayos kung laging nakasunod sa nililigawan?

Show comments