Patuloy nating ipagdasal si Guy
April 11, 2005 | 12:00am
Patuloy ang pagdagsa ng mga natatanggap kong tawag mula sa mga nagmamalasakit at nag-aalalang fans ni Nora Aunor. Lahat sila ay iisa ang tanong: kung ano ba talaga ang tunay na nangyari kay Ate Guy.
Pero katulad nila ay wala rin naman akong maisasagot na konkreto, dahil ako rin mismo ay naghihintay sa magiging resulta ng kanyang arraignment sa April 21. Umaasa rin ako sa makatarungang pagtatanggol ng kanyang abogado.
Ano pa ba ang magagawa natin ngayon, kundi ang patuloy na manalangin na maging maayos ang problemang kinasasangkutan ngayon ni Ate Guy.
Katulad nang inaasahan, napakataas ng paglipad ni Darna batay na rin sa ratings nito na isang linggo palang napapanood sa TV.
Bagamat pinangungunahan ni Angel Locsin ang Darna, siyempre team effort ito kaya dapat lang na bigyan ng parangal ang buong cast nito. Mula sa malalaking artista hanggang doon sa mga crew nito.
Ganito rin katindi ang taas ng ratings na nakuha ng Stair Way To Heaven ng GMA 7 na talaga namang iniyakan ng maraming manonood hanggang sa last episode nito.
Kaya ganun na lamang ang ipinagpapasalamat ng GMA Kapuso sa mga walang sawa nating tagasubaybay.
Samantala, doon sa mga nagtatanong tungkol kay Richard Gutierrez, isang linggo na lamang at babalik na ang inyong idolo mula sa kanyang pagbabakasyon sa Amerika. Pagkatapos ay haharap na siya sa kanyang bagong show na pinamagatang Sugo.
Inaanyayahan ko ang lahat na panoorin ang show ng ating nag-iisang Asias Queen of Song na si Pilita Corrales na pinamagatang A Very Special Evening with Ms. Pilita Corrales kasama sina John Joven at John Nite sa darating na April 21, na gaganapin sa Club Mwah.
At sa hindi pa nakakaalam kung saan matatagpuan ang Club Mwah, ito ay matatagpuan sa Boni Avenue.
Tiyak na hindi kayo magsisisi sa panonood ng show na ito. Alam nyo naman ang kalidad nina Pilita, at ng dalawang John na nabanggit.
Masyadong hectic ngayon ang schedule ni Maricel Soriano dahil sa kanyang ginagawang telenobela na Vietnam Rose.
Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang nito dahil kita nyo naman, dumayo pa talaga sila sa Vietnam para doon kunan ang karamihan sa kanilang mga eksena.
Pero katulad nila ay wala rin naman akong maisasagot na konkreto, dahil ako rin mismo ay naghihintay sa magiging resulta ng kanyang arraignment sa April 21. Umaasa rin ako sa makatarungang pagtatanggol ng kanyang abogado.
Ano pa ba ang magagawa natin ngayon, kundi ang patuloy na manalangin na maging maayos ang problemang kinasasangkutan ngayon ni Ate Guy.
Bagamat pinangungunahan ni Angel Locsin ang Darna, siyempre team effort ito kaya dapat lang na bigyan ng parangal ang buong cast nito. Mula sa malalaking artista hanggang doon sa mga crew nito.
Ganito rin katindi ang taas ng ratings na nakuha ng Stair Way To Heaven ng GMA 7 na talaga namang iniyakan ng maraming manonood hanggang sa last episode nito.
Kaya ganun na lamang ang ipinagpapasalamat ng GMA Kapuso sa mga walang sawa nating tagasubaybay.
Samantala, doon sa mga nagtatanong tungkol kay Richard Gutierrez, isang linggo na lamang at babalik na ang inyong idolo mula sa kanyang pagbabakasyon sa Amerika. Pagkatapos ay haharap na siya sa kanyang bagong show na pinamagatang Sugo.
At sa hindi pa nakakaalam kung saan matatagpuan ang Club Mwah, ito ay matatagpuan sa Boni Avenue.
Tiyak na hindi kayo magsisisi sa panonood ng show na ito. Alam nyo naman ang kalidad nina Pilita, at ng dalawang John na nabanggit.
Ngayon pa lang ay marami na ang nag-aabang nito dahil kita nyo naman, dumayo pa talaga sila sa Vietnam para doon kunan ang karamihan sa kanilang mga eksena.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended